Chapter 43 (I'm living)

4.4K 117 0
                                    

Lupe's pov:

Naiinip na kami ng may bumusina...

Nagmamadaling tumakbo si Manang Nelda papunta ng gate. Nakatayo kaming lahat habang sinisilip kung si Nic na ang dumating. Si Nic nga!

Nakaalalay pa si Nic kay Andrea habang naglalakad papasok sa kinaroroonan namin. Napakasakit ng dibdib ko.

Matapos ipakilala si Andrea ay inalalayan siya ni Manang Nelda papanik sa taas ng bahay. Nakasunod pa si Nic ng tingin kay Andrea.

Hindi ko na kinaya ang pagsasawalang bahala ni Nic sa akin. Kaya ng lapitan niya ako ay isang napaka lakas na sampal ang ginawa ko sa mukha niya.

PAK!!..., halos pumakabila ang pisngi ni Nic.

"Labas muna kami Nic...", paalam ni Edward at naiwan kaming dalawa.

"Let me explain G...", pakiusap niya sa akin.

"Explain what Nicholas!... ano ba ang akala mo, everytime na iiwan mo ako ay para akong tanga na maghihintay sayo?. Pinagmuka mo akong tanga!.. sana nagsabi ka naman, hindi kagaya nito. You made me look like a fool!... you made me feel I am worthless...", nanghihina kong sabi sa kanya.

Naramdaman kong umiikot ang paningin ko at pagkatapos ay nawalan na ako ng lakas...

''Lupe!'', sigaw ni Nic sa pangalan ko. Yun na lang ang huli kong narinig pagkatapos ay para na akong hinihigop sa kung saan. Palayo ng palayo....

Will you love me, again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon