Chapter 31 (perfect timing 2)

3.2K 102 0
                                    

Edward's pov:

"Pareho lang  naman silang nahihirapan sa nangyayari. Nic, is a nice guy. Bilang mga kaibigan niya ang magagawa lang natin ay suportahan siya. Ang desisyon ay sa kanya pa rin manggagaling. Sana ay may magawa tayo para maging maayos na ang lahat.", sabi ko habang sinasalinan ng brandy ang baso.

"Ngayon ko lang nakitang nalasing ng ganyan si Nic. Parang iiyak pa eh. Dapat kausapin natin sila Jean. Ganyang inamin na sa atin ni Nic ang nararamdaman niya para kay Lupe.", sabi ni Jason.

"Baka maunahan pa ni Vassath ang kaibigan natin!... dapat mai push natin si Nic na kumilos na. Para lahat tayo masaya. Ako kay Rosemarie, si Patrick kay Jackie, ikaw kay Jean at itong si Jason kay Sussy..", sabi ni Louie.

"Tama!... para solid. Hanggang sa ang mga magiging mga anak natin ay magkakaibigan din!..", nagtatawang sabi ni Patrick na nakalapit na pala sa amin.

"Teka maitanong ko lang… ikaw ba pareng Louie ay sinagot na ni Rosemarie?", nangangantyaw na tanong niya kay Louie.

"Malapit na mga pare!", nakataas dibdib na sagot ni Louie.

"Eh ikaw pareng Edward, areglado na ba si Jean?", baling naman ni Patrick sa akin.

Itinaas ko ang hawak kong baso at saka ako ngumiti.

"Si pareng Nic na lang pala ang problema natin…", sabi ni Patrick.

"Kailangan lang ng perfect timing para sa dalawa… maaayos din yan, gagawan natin ng paraan!....kampay!"

Kampay!... at nagtunugan uli ang mga baso namin.

Will you love me, again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon