Nakaramdam ng pagbabago ng mood sa mga kasama, kaya nagpatawa si Patrick..
"Buti na lang Jackie ako ang partner mo, di lang ako cute magaling pa ako sumayaw. Kita mo yung fourth year na chicks kanina panay ang bangga sa akin. Sigurado ako gusto lang nun makilala ako. Iba talaga kapag pogi eh", payabang na sabi nito.
"Ayos din ang bangko mo ano, super gaan to the highest level.. Kayang kaya mo talaga buhatin huh!", nakangiting pambabara ni Jackie dito.
"Heto na naman ang dalawa na to, baka mamaya maghabulan na naman kayo ng palo ha", pangangantiyaw ni Louie.
"Wag ka mag alala pareng Louie, di makakatakbo yang si Jackie. Tignan mo ang takong ng sandals, lintik! ang taas......", pang aasar pa nito.
"Ah ganun.., eh kung takungin ko kaya yang muka mo", hinubad nito ang sandals at iniamba kay Patrick.
"Whoaah...", umilag ito kunyari. "Tumawag ka ng pulis pareng Edward, may dalang deadly weapon itong kasama natin!"...Nagkatawanan na silang lahat.
"Anong nangyayari dito ha, di ako nakasali sa tawanan ah", sabat ni Nic. Nakalapit na pala ito sa kanila ng di nila namalayan. "Panay kasi ang gala mo pareng Nic eh, di bale mamya uli aasarin ko itong si Jackie", patawang sabi ni Patrick. "Subukan mo lang pag hindi pagkatapos ng party eh sa ospital naman tayo magkikita-kita", pananakot ni Jackie dito. "Nilalambing ka lang eh, alam mo kasi kapag nagagalit ka, eh nagkukulay mansanas ang pisngi mo. Ang sarap kagatin", hirit pa uli nito. "Kagatin mo muka mo!", sagot ni Jackie. ''Ang hirap nun ah'', at nag try nga ito na kagatin ang muka niya. Dahil dito ay nagkatawanan na naman sila.
BINABASA MO ANG
Will you love me, again?
RomanceAno ba ang akala mo? Everytime na iiwanan mo ako eh para akong tangang maghihintay sa'yo? I loved you and I still do. But right now, I'm tired. I am tired of being in-love with you... Romance/Teenfiction