Lupe's pov:
Kung titignan ay para kaming mag boyfriend ni Nic. Nasa loob kami ng simbahan at makatabi sa upuan. Nakaluhod kami pareho ng bumalik kami sa upuan matapos mag take ng communion. Hinawakan niya ang kamay ko at pagkatapos ay nakapikit na yumuko.
Hinayaan ko lang siya, taimtim din akong nagdasal habang hawak din ang kamay niya.
Pagkatapos magsimba ay nagpunta kami sa sinehan. Gaya ng plano ay nanuod kami ng sine.
Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami papasok. Madilim kaya humawak din ako ng mahigpit sa kanya. May hawak siyang popcorn sa kabila niyang kamay at ako naman ang may dala ng coke in can.
Nang makahanap ng vacant seat si Nic ay agad niya akong pina una maupo. Nang masanay na ang mata ko sa dilim ay kita ko na ang paligid ng sinehan.
Dahil sa lakas ng aircon sa loob ng sinehan ay nakaramdam ako ng ginaw. Naka longsleeves man ay giniginaw pa rin ako. Hindi ako nagpahalata kay Nic.
Nagulat pa ako ng akbayan niya ako at idikit sa katawan niya.
"Kahit kelan talaga napaka ginawin mo!", mahina niyang sabi sa akin.
Nasa kalagitnaan na ng palabas ng may itatanong sana ako sa kanya. Bigla siyang humarap sa akin kaya nagtama ang mga labi namin.
Sabay pa kaming nagulat .. " if only I can G''.... Parang narinig kong bulong ni Nic.
"What?", tanong ko sa kanya. Imbis na sumagot ay ginusot ni Nic ang buhok ko. Kaya bigla ko siyang sinubuan ng popcorn. Nagkatawanan na kami pagkatapos niyang masamid at ubuhin.
Pagkatapos mag sine ay kumain kami sa max's tapos ay masaya ng umuwi.
BINABASA MO ANG
Will you love me, again?
RomanceAno ba ang akala mo? Everytime na iiwanan mo ako eh para akong tangang maghihintay sa'yo? I loved you and I still do. But right now, I'm tired. I am tired of being in-love with you... Romance/Teenfiction