Lupe's pov:
Naghintay kami pagkaraang mag doorbell ni Edward. Maya-maya ay may sumilip na sa gate. Isang nakangiting babae na nasa edad 50 anyos pataas ang nakatayo sa harap namin.
"Magandang gabi po... mga kaibigan po kami ni Nic. Galing po kaming Manila. Nandiyan po ba siya?.", magalang na tanong ni Jean.
Umikot ang tingin ng ale sa aming lahat.
"Ganun ba?.. kung di ninyo mamasamain ay maiwan ko muna kayo diyan sa labas sandali ha.", sabi ng ale. Nakita namin na kinuha ng ale mula sa kanyang bulsa ang isang celfon. May kinausap ito at pagkatapos ay nakangiting binuksan na ang gate.
"Pasensiya na kayo kung di ko agad kayo pinapasok mga anak.", hinging paumanhin niya sa amin habang inaabutan kami ng kape. Nasa sala na kami.
"Nagkasalisi kayo ni Nic eh. Kaaalis lang nila ni Andrea.", paliwanag sa amin ng ale na nagpakilalang Manang Nelda.
Hindi ako makahinga sa sobrang tensyon na nararamdaman. Pinisil ni Jean ang kamay ko at di na binitawan. Siguro ay dahil sa nanginginig na ako.
"Sayang naman po at di kami nag abot.", kalmadong sabi ni Patrick.
"Mamaya maya lang ay nandito na ang mga yon. Malapit lang naman dito ang Ospital.", sabi uli ni Manang Nelda.
"Ospital!.. bakit po may sakit po ba si Nic o si Andrea?.", pang uurirat ni Jackie. Hindi nakahalata si Manang Nelda na iniimbestigahan na siya.
"Ay...walang may sakit sa kanilang dalawa. Pumunta sila sa ob-gyne, napakaselan kasi ni Andrea maglihi.'', patuloy na sabi ng ale.
Ob-gyne!... maglihi!..
Malinaw kong narinig ang sinabing yon ni Manang Nelda. Namanhid ang mukha ko. Hindi ako nakagalaw.
Nang magpaalam si Manang Nelda na may gagawin pa ay naiwan kami sa sala.
"Umuwi na tayo... " , pakiusap ko sa kanila.
"Hintayin na natin sila Lupe, para magkausap kayo ni Nic.. kailangan mag usap kayo..", sabi ni Patrick.
BINABASA MO ANG
Will you love me, again?
RomanceAno ba ang akala mo? Everytime na iiwanan mo ako eh para akong tangang maghihintay sa'yo? I loved you and I still do. But right now, I'm tired. I am tired of being in-love with you... Romance/Teenfiction