Lupes pov:
Lalong naging guapo si Nic sa paningin ko. Matagal kaming di nagkita. Grabe!..sobrang miss ko siya.
Panay ang panakaw na tingin ko sa kanya. Nakatayo siya at nakikipag usap sa celfon.
Kahit nagkaka chat at nagtatawagan kami ay na miss ko pa rin siya. For the past seven years ay hindi man lang nabawasan ang feelings ko for him. May manligaw man sa akin ay di ko pa rin nagawang ibaling sa iba ang nararamdaman ko para sa kanya. Alam kong di tama na maghintay akong maging kami, mali ang maghintay sa wala. Pero kahit anong utos ng isip ko ay ayaw pa rin sumunod ng puso ko.
Napapitlag ako ng magsalita si Nic, nakalapit na pala siya sa tabi ko.
"A penny for your thought?", sabi niya sa akin. Napakalapit ng mukha niya sa mukha ko, kaya ng mapalingon ako sa kanya ay muntik ng tumama ang bibig ko sa bibig niya.
"Um!..", kinonyatan ko siya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at kung di ko gagawin yon ay baka di ko mapigilang halikan ang labi niya na ga hibla na lang ang layo sa labi ko.
"Aray!..", daing ni Nic habang kinukuskos ang gawi ng ulo niya na kinutusan ko.
Dahil sa pag aray ni Nic ay naglingunan sa gawi namin ang buong barkada na may mga matang nagtatanong.
"Sawayin nyo nga itong si Guadalupe, nananakit na naman. Nahawa na ng pagka bayolante kay Jackie. Hindi ata ako na miss nito eh, samantalang dito na agad ako dumirecho pagbaba ng eroplano.", sumbong ni Nic sa lahat. Nagpapa awa pa ang mukha nito.
Natawa ako sa itsura ni Nic. ''God!..he is so handsome'', nasabi ko sa sarili.
"Eh dapat lang yan sayo no, nandito ka nga panay naman ang pagse celfon mo!..", pagkampi sa akin na sabi ni Jackie.
"Oo nga laging nakadikit ang tenga mo sa celfon.", pagsang-ayon naman ni Sussy.
"May girlfriend ka na Nic?", gulat na tanong ni Jean.
"Hindi yata kami na inform ha!", pataray na sabi ni Rosemarie.
Nagsi-usod palapit kay Nic ang buong barkada at hinintay ang pagsagot niya. Natakot ako bigla. Baka mapahagulgol ako ng iyak sa isasagot niya.
"Wala pa ano ba kayo!...boss ko ang kausap ko sa celfon. Masyado kayong malisyoso.", sagot ni Nic.
Nakahinga ako ng maluwag, "may pag asa pa... yes!", bulong ko sa sarili. Naramdaman ko ang simpleng pagsiko sa akin ni Jackie. Narinig ata ako ni Jackie. Napayuko tuloy ako ng kindatan niya ako.
BINABASA MO ANG
Will you love me, again?
RomanceAno ba ang akala mo? Everytime na iiwanan mo ako eh para akong tangang maghihintay sa'yo? I loved you and I still do. But right now, I'm tired. I am tired of being in-love with you... Romance/Teenfiction