Chapter 15 (Lovely you 4)

4K 126 0
                                    

Naging maganda na uli ang mood ng magkakaibigan... sabay-sabay na silang humanda para kumain.

Magkatabi si Lupe at Nic. Dahil sa maliit lang ang pagitan ng mga inuupuan ay madalas na magkabungguan ang mga braso nila. Natigil sa pagsubo ang mga kasabay nilang kumakain.... ng ayusin at ilagay ni Nic ang iba niyang ulam sa pinggan ni Lupe. Puro paborito kasi yun ni Lupe. Normal lang ang muka nito at parang natural lang ang ginagawa. Nagkangitian ang magkakaibigan.

Matapos magpahinga ay nagka ayaan na naman magsayaw ang sampu. Nasa gitna sila ng karamihan... Nagkasigawan ng pumailanlang ang romantikong tugtog. Sweet..nagkatinginan si Nic at Lupe. Ngumiti si Nic sabay lahad ng kamay. Iniabot naman ni Lupe ang kamay sa lalaki. Hinapit ni Nic palapit sa kanya ang bewang ni Lupe... Nagsayaw sila.. Magkadikit ang mga pisngi, dinig ng bawat isa ang pagtibok ng kanilang mga puso.

Nakaramdam ng panghihinayang si Lupe ng ilayo ni Nic ang pisngi sa kanya.... At halos lumundag naman siya sa tuwa ng marinig ang sinabi nito...... ''You're very lovely tonight G, I am so happy that I can hold you like this.'' At muli nitong inilapit ang mukha sa kanyang mukha.....

Will you love me, again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon