Matagal ng tulog ang mga kaibigan ay gising na gising pa rin si Lupe. Pinag-iisipan niyang mabuti ang sinabi ng apat. Alam niyang mapagkakatiwalaan ang mga ito. Hindi lang niya masabi ang gumugulo sa isip niya dahil sa nahihiya siya.
Si Jean ay dumaan na rin sa stage ng pagdadalaga kaya mas alam nito ang pinagdadaanan niya. Si Sussy ay may crush na rin at ginagawang inspirasyon ang crush kaya matataas ang grades. Si Rosemarie ay mature mag isip kaya ang payo nito ay nasa katwiran. At si Jackie na pinaka close niya ay full support sa kanya.
Gumaan ang pakiramdam ni Lupe pagkatapos makausap ang mga kaibigan. Tama ang mga ito, hahayaan lang niya ang nararamdaman. Hindi siya mag-e-expect ng kahit ano. Para hindi siya masaktan. Siguro ay lilipas din ang feelings niya for Nicholas. Hindi pa masisira ang friendship nila... Nakangiti na si Lupe ng tumabing humiga kay Jackie.. "I am lucky to have you guys!", bulong nito tapos ay natulog na..
BINABASA MO ANG
Will you love me, again?
RomantikAno ba ang akala mo? Everytime na iiwanan mo ako eh para akong tangang maghihintay sa'yo? I loved you and I still do. But right now, I'm tired. I am tired of being in-love with you... Romance/Teenfiction