Chapter 2 (Ang transfer 2)

11.6K 215 2
                                    

Lupe's pov:

Nagkantyawan ang mga classmate ko, " pres (short for president), mag blowout ka naman!"..kantyaw nila sa akin. Natawa ako sa kakulitan nila. Nasa tapat na kami ng canteen, at di talaga tumitigil. Kaya napasubo ang allowance ko for one week.

Nagkakatuwaan kami ng may mapansin akong dumaan. ''Grabe!, ang pogi nun ah!...parang ngayon ko lang siya nakita dito. Naka uniform siya ng school namin. Anung year kaya siya?..'', nagulat ako sa pagsiko ni Jackie sa akin. Nasamid tuloy ako. Pakiramdam ko ay pumasok lahat ng sinisip kong zest-o sa aking ilong. Akala ng mga kasama ko ay nakatulala ako dahil halos naubos nila ang allowance ko. Hinayaan ko nalang sila sa ganung akala. Kesa naman sa napatulala ako dahil kay "pogi".

Tapos na ang recess kaya bumalik na kami sa room. Napanganga pa ako ng makita si "pogi. Nakaupo na ang lahat ng ipakilala sa amin ni Mam Tenorio si "pogi".. ''Ok class, may bago kayong classmate, umpisa ni Mam. Introduce yourself'', utos nito sa lalaking pinatayo niya sa harap....

''Gud morning classmate!, I am Nicholas Peralta. 16 years old. I used to study at Saint Pascual Institute in Bulacan. We just moved here. Hope you guys welcome me..'', nakangiting sabi nito.

Putsa!..nosebleed ako dun ah!... Pagkatapos maipakilala ang sarili ay nagpalakpakan na ang lahat. At nagsimula na ang klase.......nagsimula na rin kumirengkeng ang puso ko....

Will you love me, again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon