Humiwalay na sa karamihan si Louie at Patrick. Sinalubong nila ang papalapit pang mga kaibigan.
Malungkot ang mukha ni Patrick at Louie . Kinakabahan sila, lalo na si Lupe..
"Ano? Sino ang first honor?", kabadong tanong ni Jane.
Hindi sumagot si Patrick, sa halip ay yumuko ito at umiling-iling.
"Ano Louie, anong resulta?", tanong ni Jason.
Kumindat si Louie, lumapit ito at umakbay na kay Lupe..
"Si Lupe ang first honor!", at nagtatalon na ito. Nagtatalon na silang lahat sa tuwa.
Nakakagat ang labi na nilapitan ni Jackie si Patrick sabay....batok ng malakas....
''Um!, pa emote emote ka pa talaga ha..''
"Si Pareng Louie naman, sinabi agad!.. tignan mo at di pa man kami nakakasal ni Jackie ay battered husband na ako.", nagbibirong sabi ni Patrick. Natawa tuloy si Jackie.
Nagtatawanan na silang lumapit sa nakapaskil, upang tiyakin na Guadalupe de Castro nga ang nakalagay sa first honor.
BINABASA MO ANG
Will you love me, again?
RomanceAno ba ang akala mo? Everytime na iiwanan mo ako eh para akong tangang maghihintay sa'yo? I loved you and I still do. But right now, I'm tired. I am tired of being in-love with you... Romance/Teenfiction