Chapter 5 (Seduce 2)

5.9K 158 0
                                    

Lupe's pov:

Superfriends pala nila Mommy at Daddy ang mga bisita namin. Si tita Belle at tito Mon, nag enjoy ako sa pagku kwento nila tungkol sa past nila...May nag doorbell uli.."ayan na siguro ang binata namin", sabi ni tita Belle. Si Daddy ang nagbukas ng gate. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang sinasabing binata ni tita. Si Nicholas!...maryosep!,di man lang ako nakapag ayos. Nakangiti si Nicholas ng lumapit siya sa amin. At nag umpisa na ang mahabang kwentuhan.

Naging close kami ni Nicholas after ng buong hapon na kwentuhan. Super heaven ang feeling ko!.. Sa amin na sila nag dinner. Sige pa rin ng kwentuhan si Mommy aj tita Belle habang nagliligpit ng mesa. Si Daddy at tito Mon naman ay umiinom ng beer habang nagtatawanan sa pinag uusapan nila. Inaya ako ni Nicholas sa garden para ituloy ang kwentuhan namin. Bitbit niya ang salad na pang dessert. Dala nila yun kanina ng pumunta sa amin.

Dahil naka shorts lang ako ay napansin ko na napapatingin si Nicholas sa legs ko.. nang mapansin niya na nakita ko ang ginagawa niyang pagtingin sa legs ko ay nagsalita siya.."may balat ka pala sa legs"...tinignan ko ang legs ko..anung balat eh wala naman akong natatandaan na may ganun ako sa hita. Tinignan ko ang sinasabi ni Nicholas. Yak!! May nakadikit palang dahon ng malunggay sa hita ko. Ulam namin yun kanina pang lunch...nagkatawanan kami ni Nicholas after niya tanggalin ang dahon sa hita ko.. Gosh!..super kilig talaga ako...

Will you love me, again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon