OPENING ng Rosemarie's Internet Cafe…
Matapos ang ribbon cutting at ilang ceremony ay nagkainan na ang mga bisita.
Nic's pov:
''Bakit kaya wala pa si G? Kanina ko pa kinokontak pero patay naman ang cp niya...
"Sussy, tumawag ba si G sa inyo? Bakit kaya wala pa siya? Tinatawagan ko out of reach naman. May idea ba kayo kung nasaan na siya? Dadating daw ba siya ngayon?", sunud-sunod na tanong ko.
"Whoaa, ang dami ng tanong mo Nic ha. Ano ba ang uunahin kong sagutin?", natatawang sagot sa akin ni Sussy.
"Ayan na si Lupe!''..… sigaw ni Jackie.
Nalingon kami lahat sa may labas ng shop.
Nakita ko si G na bumaba sa isang bagung bagong pulang Estrada at inaalalayan ng isang lalaking may manipis na bigote at balbas. Alam kong guapo ako pero nakaramdam ako ng insecurities sa itsura ng lalaking kasama ni G.
"Pareng Nic, ayan na si Lupe.", bulong sa akin ni Patrick. Tumango lang ako.
Sinalubong nila Rosemarie at Jackie ang dalawang bagong dating. Nakangiti ang lahat ako lang yata ang hindi.
Ipinakilala ni G ang kasama niya sa buong barkada.
"And this is Nic…", nagkamay kami ng ipinakilala niyang Vassath.
"Tang ina, foreigner!..", bulong ko sa sarili.
Nagsi upo na kami sa isang mahabang mesa. Habang kumakain ay nagku kwentuhan ang mga kasama ko. Pangiti-ngiti lang ako. Nakikiramdam lang.
Kumakain pa lang ay gusto ko nang uminom ng alak dahil sa selos. Nakatunog ata ang mga kasama ko kaya inaya ako sa may likuran ng shop. May mesa doon kaya nag umpisa na kami mag inuman.
Maya-maya ay nagsalita na si Patrick…
"Pareng Nic, okay ka lang ba?. Hinay lang",
Napatingin ako sa laman ng baso na iniinom ko. Ubos na naman pala samantalang sila ay marami pa.
"Nic, bakit kasi hindi mo pa aminin kay Lupe na mahal mo siya.", sabi ni Edward.
"Highschool pa lang tayo halata na namin na may tama ka kay Lupe.", sabi ni Louie.
"Nung JS prom pa lang buko ka na namin.", sabi ni Jason.
Isang malalim na buntung hininga ang pinawalan ko..
BINABASA MO ANG
Will you love me, again?
Lãng mạnAno ba ang akala mo? Everytime na iiwanan mo ako eh para akong tangang maghihintay sa'yo? I loved you and I still do. But right now, I'm tired. I am tired of being in-love with you... Romance/Teenfiction