Lupe's pov:
Walang masyadong naging pagbabago sa amin ni Nic. Dati na kaming parang mag boyfriend noon pa man. Kung may naiba man, ngayon ay official na ang pagiging kami at 5 months na ang nakakalipas....
May imi meet akong client ng araw na yon sa loob ng restaurant at habang nakaupo ako at naghihintay ay naisip kong umorder ng coffee.
Naghanap ako ng waiter na malapit lang. Nang makita ko si Nic.
May kasamang babae. Common na sa trabaho namin ang may mga nakakasamang ibang tao babae man o lalake. Gaya ko, ang client na hinihintay ko ay isang lalake.
Parang nakita ko na ang babaeng kausap niya...
Si Andrea, ang first love ni Nic!
Naramdaman ko na parang may tumamang malaking bato sa dibdib ko.
Seryoso ang pag uusap ng dalawa. At nang umiyak si Andrea ay lumipat si Nic ng upo at tinabihan si Andrea. Nakita kong hinahagod pa ni Nic ang likod ng babae. Nakapaharap sa gawi ko ang mesa nila pero di ako napansin ni Nic. Nakatuon ang pansin nito sa kanyang first love. Dahil sa nasasaksihan ko ay parang gusto ko ng umiyak.
Bahagya akong nagulat ng mag vibrate ang celfon ko.
client calling..........
Sinagot ko ang tawag. Pero ang mata ko ay nanatiling nakatingin sa mesa nila Nic. Hindi daw makakarating ang kausap ko for some emergeny reason. Tatawagan na lang uli ako sa availability ng schedule nito. Pagkatapos ng sandaling usapan ay ibinaba na nito ang phone.
Nakita kong tumayo sila Nic after magbayad sa waiter. Nakita ko rin ng ipagbukas ni Nic ng pintuan si Andrea.
Sandaling nagtalo ang isip ko kung susundan ko ba sila. At nang umandas ang kotse ni Nic ay nagmamadali akmg naglakad papunta ng kotse ko... sinundan ko ang kotse ni Nic.
BINABASA MO ANG
Will you love me, again?
RomanceAno ba ang akala mo? Everytime na iiwanan mo ako eh para akong tangang maghihintay sa'yo? I loved you and I still do. But right now, I'm tired. I am tired of being in-love with you... Romance/Teenfiction