Nic's pov:
Sa shop pa lang ay ok na ako. Hindi lang ako nagpahalata dahil nahihiya ako sa kanilang lahat, lalo na kay G. Para akong bata!.. Shit!
Nakapikit ako habang nasa loob ng kotse pero nakikiramdam ako. Gising na gising ang diwa!
"Kulas kaya mo bang maupo?", malambing na tanong ni G.
Hindi na ako pwede pang magkunwaring tulog dahil nakapanik na nga ako dito sa unit ko. Ano ko naglalakad ng tulog?..
Naupo ako...sumandal.
Sa kisame ako nakatingin, naramdaman kong naglakad si G. Maya-maya ay may dumamping maligamgam na bimpo sa mukha ko. Mas gumaan ang pakiramdam ko sa pagkakapunas na yon ni
G.
"Ok ka na?... umayos ka ng upo at inumin mo muna yang kape..", utos niya sa akin. Sinunod ko siya.
Naglakad na naman si G, ng tignan ko ay sa room ko siya pumasok. Nang lumabas ay may dala na siyang t-shirt at short. Naupo siya sa tabi ko.
"Wag ka na uli iinom ng ganun ha... Moderate lang para may natitira pa na pang uwi. Tignan mo sumasakit tuloy ang ulo mo!", nagsesermong sabi ni G. Hawak ko na ang sentido ko at minamasahe ng konti.
"Hindi naman sumakit ito dahil sa alak eh...", sabi ko. Nakangiti na ako ng tumingin sa kanya.
Um!....kinutusan ako ni G. "Ah ganun, dahil pala sa bunganga ko!", nakapameywang na sabi niya.
Mahina lang ang kutos na yon pero kunyari ay nasaktan ako. Nakayuko pa ako habang kinikiskis ko ng palad ang ulo ko.
"O ayan!.., talaga ng masakit ang ulo mo! Dapat nga itong palanggana ang ipalo ko sa iyo eh.", sabi ni G.
"Hoy Nicholas!.. Huwag kang umarte ha..."
Di pa rin ako tumitinag sa pagkakayuko ko.
"Ok sige mag isa ka diyan...", pagkasabi ng ganun ay nakita kong tumalikod ang mga paa ni G.
Napabilis ako ng paghabol kay G. Niyakap ko siya patalikod sa akin kaya napaupo kami ng sabay sa sofa.
"Bitawan mo ako Kulas!...", pilit na kumakawala si G sa pagkaka yakap ko. Kaya lalo ko pang hinigpitan. Nakasubsob ang mukha ko sa batok niya.
"Please stay...", pakiusap ko sa kanya. Pagkarinig niya sa sinabi ko ay hindi na siya gumalaw.
BINABASA MO ANG
Will you love me, again?
عاطفيةAno ba ang akala mo? Everytime na iiwanan mo ako eh para akong tangang maghihintay sa'yo? I loved you and I still do. But right now, I'm tired. I am tired of being in-love with you... Romance/Teenfiction