Charter 9 (Selos 2)

4.5K 131 0
                                    

Halos liparin ni

Lupe ang kwarto ni Nicholas, buong maghapong hindi niya nakita ang mukha ng binata, kaya super miss na niya ito. Gugulatin niya ang lalaki...pero hindi ganun ang nangyari..Siya ang nagulat sa nakita!......

Si Romina!..nakaupo sa kama at katabi si Nicholas!... Sinusubuan pa ng grapes ang ngiting-ngiting si Nicholas!

Parang nabagsakan ng malakeng bato ang puso niya. Parang gusto niyang sugurin si Romina at isubo ng buo ang malaking orange na hawak niya sa bunganga nito!.Parang gusto niyang.....umiyak.

"G!", natauhan siya ng marinig niyang tinawag siya ni Nicholas. Napalingon din si Romina sa gawi niya. Nagsalubong ang dalawang kilay nito ng makita siya. Di niya pinansin si Nicholas, sa halip ay si Romina ang binati niya (ang plastik di ba?)..."hello Romina, nginitian niya ang kaklase". "Hi!", tipid na sagot nito.

"Super close pala kayo ni Nic", pa cute na sabi ni Romina sa kanya.. Sasagutin na niya si Romina ng biglang sumagot si Nicholas...

"Oo! Si G ang super bestfriend ko", pagmamalaki ni Nicholas. "Ouch!, ang sakit nun Kulas!", bulong ni Lupe sa sarili. Nakita niyang ngumiti si Romina after marinig ang sinabi ni Nicholas.

Hindi siya nagpahalata sa dalawa. Nakisali pa siya sa biruan ng mga ito. Maya-maya ay pumasok ang tita Belle niya na may dalang merienda. Kumain siya, hindi siya nagpahalata na halos di niya malunok ang kinakain dahil sa pagpipigil na maiyak...

Will you love me, again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon