Sabado...Restobar...
Lupe's pov:
Darating kaya si Nic?.. Oh..God please help me!...
Si Nic na lang ang kulang sa amin. Walang kumakain dahil inaantay dumating si Nic..tense na tense na ako...baka di siya dumating...
"Relax...on the way na raw siya.", bulong ni Rosemarie sa akin. Alam nila na nakausap ako nila Andrea kahapon.
"Ayan na pala si Nic eh!.", sabi ni Jason.
Hindi ako makatingin kay Nic. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na naman ang nararamdaman ko eh matanda na ako. Para akong teenager na kinikilig!
Umupo sa tabi ko si Nic...
"Hi G!.", bati niya sa akin...
"Hi!.", nanginig pa ata ang boses ko...ang lakas ng tibok ng puso ko ng ngitian ko rin siya.
Nagpapakiramdaman ang lahat.Masaya kaming nagkwentuhan habang nag di drinks. Walang bumabanggit ng tungkol sa amin ni Nic. Basta nagkakatuwaan lang. Hanggang sa mag uwian na kami.
Walang dalang kotse si Nic, nasiraan daw siya kaya siya na late kanina. Kaya tinanong niya ako if pwede makisabay.
Pumayag naman ako kaya inabot ko sa kanya ang susi ng kotse ko.
Ipinagbukas niya ako ng pinto. Bago tuluyang sumakay ay nag beso muna kami ni Sussy. Nakaakbay sa kanya si Jason ng magsalita ito.
"Ingat sa pag drive Nic... good luck!...", at kumaway pa ito habang nakangiti.
"Salamat!.", sagot naman ni Nic. At sumakay na ako ng kotse. Habang nasa byahe ay nagpapakiramdaman kami ni Nic. Di ako nakatiis.........
"Kulas"..."G..."......
Natawa kami pareho dahil nagkasabay kami ng pagtawag sa isa't isa. Tapos ay tahimik na uli... pakiramdaman uli...
Nakikita ko sa gilid ng mata ang pagsulyap na ginagawa sa akin ni Nic. Kapag di siya nakatingin ay ako naman ang sumusulyap sa kanya.
Nang magtama ang tingin namin ay naging seryoso ang muka ni Nic. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit..
Hinayaan ko siyang hawakan ang kamay ko. Maya-maya ay inilapit niya ang kamay ko sa bibig niya at masuyong hinalikan....
Buong byahe ay di na niya binitawan ang kamay ko maliban na lang kung magkakambyo siya..
BINABASA MO ANG
Will you love me, again?
RomanceAno ba ang akala mo? Everytime na iiwanan mo ako eh para akong tangang maghihintay sa'yo? I loved you and I still do. But right now, I'm tired. I am tired of being in-love with you... Romance/Teenfiction