PANG-APAT

5.2K 136 8
                                    

Matapos umalis ni Lorenzo ay naisipan ni Richard na bumalik na lang sa kwarto, kung saan nagbabantay ang mga kapatid sa wala paring malay na si Komandante Manlangit.

"Richard anak, ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo?" nag-aalalang bungad sa kanya ng mama nito bago pa makabalik sa kwarto si Richard. At bago pa makasagot ito'y mahigpit na yakap ang natanggap niya sa nagsisimula ng maging emosyonal na mama nito.

"Mom, ayos lang ako." nahihiyang sagot nito sa kanyang mama na nakakuha ng pansin sa mga taong naroroon. Habang yakap-yakap parin nito ng kanyang mama ay humingi ito ng tulong sa kuyang si Erick na nagpipigil naman ng kanyang tawa.

"No, hindi ka okay, mabuti pa sasamahan kitang magpatingin sa doktor at baka may sugat ka o anupaman, mabuti ng sigurado. Tignan mo na lang ang mga nangyari sa mga kasama mong sundalo, Dios kong mahabagin hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa'yo." balewala ng mama ni Richard sa sinabi niya at nag-uumpisa na naman sa labis na pag-aalala sa kanyang bunso.

At dahil sa narinig sa kanilang mama ay minabuti na ni Erick ang tulungan ang kapatid na hindi na maipinta ang mukha dahil sa hiya.

"Mom, okay lang si bunso. Kaya hindi na kailangan na ipatingin pa siya sa doktor dahil katatapos palang siyang matignan ni dok." pagsisinungaling ni Erick.

"Sigurado ka Erick?" dudang tanong ni Aurora sa panganay na anak.

"Siguradong-sigurado mom."

Hindi na nagpumilit pa si Aurora at naniwala ito sa panganay na anak.

"Kaya mom, halika na at samahan mo na lang akong bumalik sa kwarto ng Komandante namin at kaibigan nila kuya." pag-iiba ni Richard sa usapan at baka magbago pa ang isip ng mama nito at ipatingin pa siya sa doktor.

"Mabuti pa nga, oo nga pala nagkita na ba kayo ng papa mo?" tanong nito sa anak.

"Hindi pa mom, siguradong abala si papa sa pagbisita sa mga kasama naming sundalo." sagot ni Richard sa mama nito.

"Mom pwede bang ikaw na muna ang bumalik sa kwarto ni baste at kakausapin ko lang si bunso." pakiusap ni Erick sa mama nila para makapag-usap silang dalawa ni Richard.

"Sige anak." pagpayag ni Aurora sa panganay. "Richard pagkatapos niyong mag-usap ng kuya mo, tayo naman dalawa ang may pag-uusapan." baling nito sa bunsong anak bago pa iwan nito ang dalawa.

Pag-alis ng mama nila ay napabuntong-hininga na lang si Richard.

"Hahaha hindi ka pa nasanay kay mom bunso." natatawang saad ni Erick. "Oo nga pala bago ko pa makalimutan, kaya kita gustong makausap ay dahil kay Baste."

"Anong tungkol sa kanya, kuya?" naguguluhang tanong ni Richard sa kapatid.

"Napag-usapan namin kasi ng kuya Vince mo, na makakabuti kung sa atin muna tutuloy si Baste paglabas niya ng ospital. Ang mga magulang niya ay sa Amerika na nakatira at wala naman siyang ibang kamag-anak na titingin sa kanya habang nagpapagaling siya." paliwanag ni Erick sa kapatid.

"Yun lang kuya? Okay lang naman sa akin kung sa atin siya tutuloy at hindi mo na kailangan pa na kausapin pa ako.." hindi na natuloy pang sabi ni Richard ng maisip na may iba pang gusto ang kapatid kaya siya nito kinausap.
"May iba kapang gustong ipakiusap." kumpirma nito sa kapatid.

"Hehe ganun nga bunso. Nakausap kasi namin kanina si dok at sinabi niya na ngayong araw din ay magkakamalay na si Baste at pagkagising niya ay may ilang tests pang gagawin sa kanya, kapag nakasigurong maayos na talaga siya ay maaari na rin siyang lumabas sa susunod na araw dito sa ospital. At dahil ang sabi ko nga sa'yo kanina, nagpaalam lang kami saglit ni Vince para madalaw si Baste, gusto ko sana na ikaw na muna ang bahala kay Baste hanggang sa makalabas siya ng ospital, makakaasa ba ako sa'yo bunso." mahabang paliwanag ni Erick sabay pakiusap sa kapatid.

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon