PANG-DALAWAMPUT-ISA

3.1K 129 45
                                    

Pagdating sa bahay nila Richard at Sebastian, parehong nagulat ang mga ito pagkakita sa dalawang taong kasalukuyang nasa sala.

"Bunso!" malakas na saad ni Erick pagkakita kay Richard at lumapit ito para yakapin ang bunsong kapatid.

"Kuya." masayang saad ni Richard at niyakap pabalik si Erick.

Samantalang kinakabahan naman sa mga oras na 'yon si Sebastian, dahil alam nitong hindi payag si Erick sa nararamdaman niyang pag-ibig para kay Richard.

"Kuya ako naman." saad ni Vince na lumapit sa mga kapatid.

Humiwalay naman si Erick sa pagyakap sa kanilang bunso, para bigyan ng daan si Vince. Niyakap nga ni Vince si Richard na sinuklian rin ng mahigpit na yakap ng huli, pero bago tuluyang humiwalay kay Richard, may ibinulong si Vince sa kapatid.

"Alam ko na ang sa inyo ni Baste."

Sa narinig ay nababahalang tinignan ni Richard ang kuyang si Vince.

"Kuya, may ibibigay lang ako kay Chard at iwan na muna namin kayong dalawa." saad ni Vince para makapag-usap sila ni Richard at alam rin nitong kailangan rin mag-usap ng kanyang kuya Erick at ng kaibigan nilang si Baste.

Gaya ng paalam ni Vince nagpunta nga silang dalawa ni Richard sa kwarto ng huli.

"Huwag kang mag-alala bunso, suportado ko kung anong meron kayo ni Baste." saad ni Vince sa kapatid, na kita niyang nababahala ang mukha.

"Kuya." tanging saad ni Richard, na hindi parin makapaniwala na alam na ng kuya Vince niya ang tungkol sa kanila ni Baste.

"Chard, walang kang dapat ikatakot. Gaya nga ng sabi ko, tanggap kita kahit ano ka pa at tanggap ko rin kayo ni Baste."

"Sa-salamat kuya." saad ni Richard at muling niyakap ang kapatid.

"Wala 'yon, pero hindi pa tanggap ngayon ni kuya Erick ang sa inyo ni Baste." saad ni Vince.

Sa narinig ni Richard ay humiwalay ito sa pagyakap sa kapatid.

"Alam rin ni kuya!? Paano niyo pala nalaman?"

"Oo alam rin n'ya at kanino pa namin malalaman kungdi kay Baste."

"Ka-kailan pa kuya?" tanong ni Richard na gulat parin sa mga nalaman.

"Kaninang umaga lang, tinawagan kami ni Baste at ipinaalam sa amin na may gusto siya sa'yo." kwento ni Vince.

"Mahal ko rin si Baste kuya." saad naman ni Richard.

"Alam ko at alam kong totoo rin na mahal ka ni Baste, pero gaya nga ng sabi ko hindi pa tanggap ni kuya."

"Kung ganun, kakausapin ko siya at ipapaliwang kong mahal namin ni Baste ang isa't-isa." saad ni Richard at lalabas na sana pero mabilis itong napigilan ni Vince.

"Huwag na Chard, siguradong nag-uusap na rin sa ngayon sila kuya at Baste." paliwanag ni Vince sa kapatid.

"Pero paano kuya, kung hindi nga matanggap ni kuya Erick ang sa amin ni Baste." nababahalang saad ni Richard.

"Huwag mo munang isipin 'yon, mabuti pa ikwento mo sa akin kung paano kayo nagkagusto ni Baste sa isa't-isa."

"Kuya 'wag na at baka mailang ka lang, alam mo na at pareho kaming lalaki." nahihiyang saad ni Richard.

"Okay lang sa akin, malay mo baka isang araw sa lalaki rin ako magkagusto." nangingiting biro ni Vince, para kahit papaano'y mawala ang pagkabahala ng kapatid.

...

Samantala, sa pag-alis ni Richard at Vince, sandaling nabalot ng katahimikan ang dalawang Komandante.

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon