Kaagad sinalubong ng kanyang mga magulang si Richard at ang kasama nitong si Sebastian na pansamantalang mananatili sa kanila.
Sa tulong ng family driver nila Richard, ngayon ay nakasakay na sa wheel chair si Sebastian habang nasa likod si Richard na nakaalalay rito.
"Masaya akong nakalabas ka na ng ospital Manlangit at ngayon ay makakausap na kita." saad ni Heneral Manalo sa sundalong inatasan niya, sa katatapos pa lang na giyera sa Maguindanao.
"Sir, ngayon palang ay nagpapasalamat na ako sa pagtulong ng pamilya niyo sa akin sir!" nakasaludo at magalang na pasasalamat ni Major Manlangit sa kanyang Commanding Officer.
"Tama na muna ang pormal na pakikipag-usap Sebastian at hindi mo na kailangan pang magpasalamat dahil pamilya at anak na ang turing namin sa'yo ng Tita mo." saad ni Heneral Manalo.
"Sige po tito."
"Mabuti pa pumasok na tayo sa loob at nakahanda na ang pagkain, alam kong gutom na kayong dalawa." sali sa usapan ni Aurora.
...
"Baste alin sa mga ito ang gusto mo." tanong ni Richard sa katabing si Sebastian, sa pagkain na gusto nitong kainin. Kasaluyan silang nasa hapag sa hinihandang tanghalian ng kanyang mama, kasabay rin nilang kumakain ang kanyang mga magulang.
"Okay lang Richard, ako na lang, sa tingin ko kaya ko nang igalaw ang mga braso ko." tanggi ni Sebastian sa pag-alok ni Richard.
"Sir Manlangit, sige nga subukan mong abutin ang menudo sa gawing kanan mo." subok ni Richard kay Sebastian dahil hindi ito naniniwala na kaya na nito. Si Sebastian naman ay sinubukan gawin ang sinabing iyon ni Richard. Dahan-dahan nitong iginalaw ang kanang braso, pero sa kakaunting paggalaw pa lang na iyon na ginawa ni Sebastian ay napangiwi na ito sa naramdamang sakit.
Ang mga magulang naman ni Richard ay nakikinig sa usapan ng dalawa at nakamasid sa ginawang iyon ni Sebastian.
Nang makita ang itsura ng napangiwing mukha ni Sebastian ay hindi mapigilan ni Richard ang matawa.
"Anong nakakatawa Manalo?" tanong ni Sebastian na pinipigilan rin matawa dahil alam nito na siya ang dahilan sa pagtawa ng katabi.
"Ako tumawa? Hindi kaya sir, sina mama at papa sa tingin ko ang narinig mo." tanggi ni Richard sa ginawa at sumbong rin sa mga magulang na kagaya niya ay nangingiti sa mga oras na iyon. Sa narinig ay napatingin nga si Sebastian sa gawi ng mag-asawa at tama si Richard sa sinabi dahil bakas ang tuwa sa dalawa.
"Chard anak tama na ang pang-aasar, mabuti pa ay iabot mo na kay Baste ang mga pagkaing gusto niya." suway ni Aurora sa pilyong anak.
"Ikaw naman Baste 'wag ka ng mahiyang magpatulong kay Chard, mabait ang bunso kong 'yan kahit pa may pagkaisip bata madalas." baling ni Aurora kay Sebastian at biniro pa ang anak.
"Mom! Pa si mama oh." reklamo ni Richard sa narinig sabay sumbong sa papa nito.
"Bakit anak? Totoo naman ang sinabi ng mama mo." asar ng Heneral sa bunsong anak.
Natawa naman si Sebastian sa nakitang samahan ng tatlo.
"Anong nakakatawa Major Manlangit? balik ni Richard sa tanong ni Sebastian kanina.
"Ako tumawa? Hindi kaya Manalo, sila tito at tita sa tingin ko ang narinig mo." gaya naman ni Sebastian sa naging sagot sa kanya ni Richard kanina.
"Gaya-gaya." bulong ni Richard, na narinig naman ng matalas na tenga ni Sebastian na ikinatawa ng huli.
...Matapos kumain ay sinamahan ni Richard si Sebastian sa kwartong tutuluyan.
"Baste okay bang iwanan na kita?" tanong ni Richard matapos tulungan maihiga si Sebastian sa kama.
"Ah pupwede bang pakikuha na muna ng tubig para makainom na rin ako ng gamot."
"Sige may iba ka pang gusto?"
"Yun lang salamat."
"Okay, sige."
Kaagad naman na kumuha ng tubig si Richard at iniabot na rin ang gamot na iinumin ni Sebastian. Pagkakuha sa gamot ay ininom na rin ito ni Sebastian.
"Salamat ulit Chard."
"Ayos lang Baste, sige lalabas na ako. Kung may kailangan kay ay tawagan mo lang ako." saad ni Richard. Sa narinig naman ay isang ideya ang pumasok sa isip ni Sabastian.
"Paano kita matatawagan hindi ko pa alam ang number mo."
"Ay! Oo nga pala sandali asan yung phone mo?" nahihiyang tanong ni Richard sabay kamot pa sa ulo.
"Nasa isang bag, yung kulay itim kasama ng iba pang gamit ko. Pakikuha na lang at isave mo na rin ang number mo at pagkatapos ay iabot mo na rin sa akin." sagot ni Sebastian. Matapos marinig ang sagot ni Sebastian, hinalukay ni Richard ang laman ng itim na bag at nakita nga niya na naroon ang cellpone ng una.
"Baste, anong password pala ng phone mo?" tanong ni Richard ng hawak na ang cellphone.
"I-swipe mo lang 'yan, hindi ako mahilig sa password." simpleng sagot ni Sebastian.
"Seryoso? Ikaw palang ang taong nakilala ko na walang password ang phone." komento ni Richard.
"Ganun talaga ako eh."
Pagkaswipe nga ni Richard sa phone ni Sebastian ay bumungad sa screen ng cellphone ng huli ang larawan ng isang magandang babae. Kaagad naalala ni Richard ang babaeng nakita rin niya na nasa wallet ni Sebastian at napagtanto niya na iisa lang ang babae. Gusto man itanong ni Richard kay Sebastian kung sino at kaano-ano niya ang babae ay pinigilan niya ang sarili dahil masyadong personal ang bagay na iyon at ilang araw pa lang silang magkakilala. Minabuti niyang isave na lang ang numero, na siya namang dahilan kaya hawak niya ngayon ang cellphone ni Sebastian.
"Okay, gaya ng sabi mo naisave ko na ang number ko at kinuha ko na rin ang sa'yo para alam ko kapag tumawag ka." saad ni Richard sabay abot sa cellphone ni Sebastian.
"Sige, salamat" maikling sagot ni Sebastian at kinuha ang kanyang cellphone. Nag-paalam na rin lumabas si Richard pagkatapos.
...
Paglabas ni Richard sa kwarto ni Sebastian ay dumiretso ito sa sariling silid, na katabi lang din ng silid ng huli. At dala ng pagod ay nakatulog kaagad ito.
...
Paglabas ni Richard sa kwartong tinutuluyan niya, naiwan si Sebastian na hawak ang cellphone at pinagmamasdan ang larawan ng kanyang girlfriend.
"Tama ba na girlfriend pa kita? O ako nalang ang nag-iisip na tayo parin." kausap ni Sebastian sa larawan ng babae.
...
Sa kabilang panig naman ng mundo.
Isang fashion show ang dinaluhan ni Rachelle at siya ang star sa nasabing event. Maraming kilalang fashion designer, fashion guru ang mga naroon at mga international media naman ang kumukuha sa isa sa pinakamalaking event na iyon sa Paris.
Matapos ang gabi ng event na kanyang dinaluhan, umuwi si Rachelle sa hotel na kanyang tinutuluyan. At bago pa ito matulog ay napanood niya sa balita ang katatapos lang na giyera na nangyari sa Pilipinas. Nalaman niya na naging matagumpay ang mga sundalo sa kanilang misyon at nahuli pa ng buhay ang lider ng mga terorista. Nakita rin niya sa balita sa nasabing giyera ang pagkamatay ng 50 sundalo at marami rin ang nasugatan. Pero ang nakitang larawan sa sumunod na kuha sa balita ang ikinahinto niya, kasunud ng malakas na pagtibok ng kanyang puso. Ang larawan ni Major Sebastian Manlangit na nasabugan ng bomba at kasalukuyang walang malay.
"Sebastian. Mahal."
BINABASA MO ANG
Pag-ibig ng Sundalo Book I
RomancePrivate Richard Manalo, bunso sa tatlong magkakapatid na lalake na kapwa rin sundalo at Heneral naman ang kanilang Ama. Major Sebastian Manlangit kaibigan ng mga kuya ni Richard. Sa pagtatagpo ng landas ng dalawang sundalo, posible kayang may pag-ib...