Abala sa gawaing bukid si Lorenzo ng marinig nito na parang may tumatawag sa kanya. At pagtingin nga nito sa direksyon na pinagmumulan ng boses, nakita nito ang nanay niya.
"Enzo anak may bisita ka!" muling sigaw ni Celia para marinig siya ng anak.
Sa narinig ni Lorenzo kahit pa nagtataka ay iniwan na muna niya ang ginagawa sa bukid. Paglapit nito sa ina ay nagtanong na ang pobreng sundalo.
"Sinong bisita nay?"
"Si Kapitan Vince anak." sagot ng ginang sa anak.
Nagulat naman si Lorenzo sa narinig nito, at kaagad nitong tinungo ang papunta sa kanilang bahay, matapos sabihin ng kanyang ina na kausap ngayon ng Kapitan ang kanyang tatay.
...
"Sir anong ginagawa mo dito?" 'di makapaniwalang tanong ni Lorenzo ng makita nito na narito nga si Vince sa kanila.
Sandaling pinasadahan naman ng tingin ni Vince ang namiss niyang si Lorenzo, at kita nito ang simpleng suot ng pobreng sundalo pati na ang putik na nasa katawan nito dulot ng gawaing bukid.
"Syempre para bisitahin ka, namiss kita Enzo." matapang na sagot ni Vince, kahit pa kasama nila ni Lorenzo sa sandaling iyon ang mga magulang ng huli.
Sandali naman nakaramdam ng hiya si Lorenzo sa sagot sa kanya ng Kapitan, at dahil alam nitong wala talagang kinatatakutan si Vince, ang pobreng sundalo na ang gumawa ng paraan, bago pa tuluyang makahalata ang kanyang mga magulang sa relasyon na meron sila ng Kapitan.
"Tay, nay, puwede bang magkausap kami saglit ni sir." pakiusap ni Lorenzo sa mga magulang.
Kaagad naman pinagbigyan ng mag-asawa ang kagustuhan na iyon ng kanilang anak.
"Sige sir maiwan na muna namin kayo." saad ni Lito.
"O sige Enzo ikaw na ang bahala kay sir." baling ni Celia sa anak.
"Sir dito na kayo sa amin mananghalian." baling naman ng ginang sa Kapitan."Sige po nay." sagot ni Vince sa nanay ni Enzo.
Natuwa naman si Celia sa pagtawag sa kanya ng nanay ng kasamahang sundalo ng anak, at iniwan na nga nila ng kanyang asawa ang dalawang sundalo.
"Sir naman, baka puwedeng 'wag mo munang masyadong ipahalata kila tatay ang tungkol sa atin." pakiusap ni Lorenzo sa Kapitan ng medyo malayo na sila sa kanilang bahay
"Bakit Enzo, kinakahiya mo ba ako?" seryosong tanong ni Vince.
"Hi-hindi naman sa ganoon Vince, ayoko lang biglain sila tatay." maagap na sagot ni Lorenzo.
"Bakit, galit ba sa mga bakla ang mga magulang mo?"
"Sa tingin ko sir hindi naman, pero maiba ako, bakit ka nga nandito sa amin?"
"Hindi ba sinagot na kita kanina? Sobrang namiss kita Enzo." sagot muli ng Kapitan at sabay na pinaglapit nito ang mga mukha nila ni Lorenzo.
Kaagad naman lumayo ang pobreng sundalo, bago pa tuluyang mahalikan siya ng Kapitan.
Sa ginawang iyon ni Lorenzo, nakaramdam naman ng pagkapahiya si Vince.
Halata ng pobreng sundalo na nasaktan ang Kapitan, dahil sa naging reaksyon nito sa tangkang paghalik sa kanya ni Vince, kaya naman kaagad rin nitong hinawakan ang isang kamay ng Kapitan.
"Hi-hindi ko sinasadya sir, natatakot lang ako baka anong isipin ng ibang makakakita sa atin." amin ni Lorenzo sa kabang nararamdaman.
"Gusto kong intindihin ka Enzo, pero alam mong wala akong pakialam sa anumang iisipin ng iba sa akin, at sana hindi ito ang maging dahilan para pigilan mo ang nararamdaman mo rin sa akin." saad ni Vince at minabuti ng iwanan ang pobreng sundalo.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig ng Sundalo Book I
RomancePrivate Richard Manalo, bunso sa tatlong magkakapatid na lalake na kapwa rin sundalo at Heneral naman ang kanilang Ama. Major Sebastian Manlangit kaibigan ng mga kuya ni Richard. Sa pagtatagpo ng landas ng dalawang sundalo, posible kayang may pag-ib...