PANG-DALAWAMPUT-DALAWA

3.1K 130 34
                                    

Maingay at masaya ang kasalukuyang hapunan sa bahay ng mga Manalo sa gabing 'yon. Inaasahan na ni Aurora ang pagdating na 'yon ng dalawang sundalo pa nitong anak na galing sa misyon sa South Cotabato. Kaya naman pagdating nila sa bahay ng kanyang asawang Heneral, kaagad niyang inihanda ang mga paboritong pagkain ng mga ito, sa tulong na rin ng mga kasambahay nila.

At ngayon nga habang naghahapunan sila, abala ang kanyang asawang Heneral pati na ang tatlong nilang anak sa pakukuwento sa mga nakalipas na araw na nangyari sa bawat isa. Nakadagdag pa sa kwentuhan at asaran ng mga ito, ang bisita nilang si Baste na kaibigan naman ng dalawa nitong anak at parang anak na rin ang turing nila ng kanyang asawa.

"Tama na muna ang kwentuhan, kumain kayo ng marami at alam kong matagal-tagal niyo rin na hindi natikman ang mga luto ko." saad ni Aurora sa dalawang anak.

"Oo nga mom, ngayon pa lang ulit kami makakain ng masarap ni kuya." sang-ayon ni Vince sa mama nito.

"At mukhang hindi lang kami ang nakamiss sa mga luto mo ma, pati na rin si Baste na ilang linggo pa lang ng mabalitaan namin na bumalik na ng Makati, ngayon nandito ulit." saad ni Erick, na sa likod nito'y iba ang nais nitong tumbukin, sabay senyas sa katabing si Vince.

Kita ni Vince ang ginawang senyas na 'yon sa kanya ng kuyang si Erick at alam nito kung anong nais ng huli sa mga oras na 'yon.

"Oo nga ma, pero baka naman may iba pang namiss si Baste kaya agad siyang bumalik sa atin." saad ni Vince.

Sa narinig ni Richard sa mga kapatid ay kaagad na pinamulahan siya ng mukha at batid nitong s'ya ang tinutukoy ng mga alaskador nitong mga kuya.

Kasabay ng pamumula ng mukha ni Richard, naubo naman si Sebastian sa narinig din sa dalawang alaskador na kaibigan.

"Kayong dalawa, tigilan niyo nga si Baste at baka hindi na siya dumalaw ulit dito sa atin." saway ni Aurora sa dalawang anak ng makita ang nanyaring 'yon kay Baste.

"Malabong mangyari 'yon ma." sabay na saad ni Erick at Vince na nakakuha ng atensyon sa mga kasama sa hapag dulot ng parehong sinabi nila. Nag-apir pa ang dalawa matapos nun.

"May alam ba kayo na hindi namin alam ng mama n'yo." seryosong saad ni Heneral Manalo, na ikinatahimik ng lahat.

Parehong kinakabahan sa mga oras na 'yon si Sebastian at Richard na baka sabihin nina Erick at Vince ang tungkol sa kanilang dalawa.

"Anong ibig mong sabihin pa? Binibiro lang namin si Baste, na mukhang namiss talaga ang luto ni mama." sagot ni Erick sa ama, na bagamat sang-ayon ito sa relasyon ni Richard at Sebastian, ayaw nitong sa kanya manggaling ang sikreto ng dalawa.

"Oo nga pa, alam niyo na matagal din namin na hindi nakasama si Baste, kaya inaasar lang namin ni kuya." saad naman ni Vince.

"Oo nga naman Dado." baling ni Aurora sa naging seryosong mukha ng asawa.
"Pero tama na 'yang asaran na 'yan at kumain na tayo." saway ulit ni Aurora sa dalawang anak.

Nagpatuloy sa pagkain ang lahat at kahit papaano ay nawala na ang tensyon na dulot ng seryosong pagtatanong ng Heneral kanina.

Pagkatapos kumain, tinulungan ni Richard ang mama nito sa pagliligpit sa mga natirang pagkain sa hapag.

"Chard anak, kami na ni manang ang bahala rito, samahan mo na lang ang mga kuya mo sa sala." taboy ni Aurora sa anak.

Yun nga ang ayaw mangyari ni Richard, magmula pa kasi kanina ng matapos malaman, na tanggap ng parehong kapatid ang sa kanila ni Baste, hindi na ito tinantanan pa ng pang-aasar ng dalawa.

"Okay lang mom, isa pa gusto kong ako ang unang makakatikim ng cake na bi-nake mo." bola ni Richard sa mama nito.

"Ikaw talaga, o s'ya kung 'yan ang gusto mo." sukong sabi ni Aurora.

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon