Matapos ang paglapag ng kanilang private jet sa Zamboanga. Ngayon sakay ng isang van, papunta na sila Richard kasama ang kuyang si Erick at kanilang mga magulang sa ospital na kinaroroonan ni Sebastian. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ngayon ni Richard, pero nangingibaw ang pagkasabik na muling makita ang pinakamamahal nitong Komandante.
Lumipas ang humigit-kumulang na isang oras na biyahe, huminto na sa pagmamaneho ang driver na kasama sa inarkila nilang sasakyan sa tapat ng Ventura's Hospital.
"Handa ka na bunso?" tanong ni Erick sa kapatid.
"Handa na kuya." sagot ni Richard at naglakad na ang sundalo papasok sa ospital at nasa likod nito ang kapatid pati na ang mga magulang nito.
...
Sa loob ng ospital ay nadoon na rin si Ariel kasama ang mga magulang pati na ang nobyong si Mikael. Kasama rin nila si Vince na katatapos lang makilala ang mga magulang ni Ariel. Kaya naman sa pagpasok ni Richard sa ospital, kasama ang isa pang kuya at mga magulang. Naunang nagkita-kita ang magkakamag-anak na Manalo.
Hindi na ikinagulat pa ni Diosdado na madatnan ang matagal ng nais nitong makita na kapatid.
Si Richard at Erick naman ay may ideya na sa oras na iyon, na ang matagal na nilang hinahanap na kamag-anak ang kasama ngayon ng kanilang kapatid na si Vince.
Sa paghaharap sa kauna-kaunahang pagkakataon ng magkapatid na Manalo, kapwa naghihintay ang mga kasama nila sa magiging reaksyon ng dalawa.
Unang lumapit si Diosdado sa kapatid at ng mabatid na hinihintay siya ng kapatid, hindi na nag-aksaya ng panahon ang Heneral at niyakap nito ng mahigpit ang matagal na nitong gustong makilala na kaisa-isang kapatid.
At sa ilang minutong nagdaan ay nagkamustahan ang magkakamag-anak na Manalo at ipinakilala nila ang bawat-isa sa isa't-isa.
"Sige anak, mauna mo nang puntahan si Baste, susunod kami pagkatapos mo." saad ng Heneral, sa alam nitong sabik ng anak na makita ang mahal na Komandante.
"Salamat pa, sige po maiwan ko muna kayo." paalam ni Richard sa lahat.
Pagkabukas ni Richard sa pinto ng ICU, nagsimula ng mangilid ang luha sa mga mata ng sundalo. At ilang hakbang pa ng kanyang mga paa ay unti-unti ng nasilayan ni Richard ang nakaratay na mahal nitong Komandante.
Kumawala na ang mga masaganang luha sa mga mata ni Richard sa oras na iyon. Ang kaibahan ngayon ay luha ito ng kaligayahan at hindi na nag-aksaya pa ng oras si Richard na kaagad hinawakan ang kamay ng wala paring malay na Komandante.
"Sir, nandito na ako. I'm sorry kung ngayon lang tayo nagkita, I'm sorry kung hindi kita nahanap, pero promise hindi ako tumigil sa paghahanap sa'yo, I'm sorry kung tumigil ako sa paghahanap sa iyo nung akala naming lahat na wala ka na, I'm sorry kung naniwala kaagad ako na wala ka na talaga, I'm sorry ng pagtangkaan ko ang buhay ko para lang magkita na tayo sa kabilang buhay." paulit-ulit na paghingi ng tawad at kausap ni Richard sa Komandante at wala ring tigil sa pagluha sa sandaling iyon.
"Kaya pangako mula ngayon, hindi na kita iiwan pa at panghahawakan ko ang pangako mo noon sa akin na babalik ka at papakasalan mo ako." kausap muli ni Richard sa Komandante.
"Kaya sana, gumising ka na at heto nga pala, dala ko ang bracelet mong may initials ko." saad ni Richard at ipinasuot muli sa Komandante ang silver bracelet na regalo nito sa mahal.
At gaya nga ng pangako ni Richard, hindi nito iniwanan si Sebastian, hanggang sa makatulog nga ang sundalo sa tabi ng Komandante. Ilang minuto matapos makatulog si Richard, sa unang pagkakataon matapos ang maaksidente ang Komandante, naigalaw nito ng bahagya ang isang kamay na ngayon ay hawak ng tulog na si Richard.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig ng Sundalo Book I
RomancePrivate Richard Manalo, bunso sa tatlong magkakapatid na lalake na kapwa rin sundalo at Heneral naman ang kanilang Ama. Major Sebastian Manlangit kaibigan ng mga kuya ni Richard. Sa pagtatagpo ng landas ng dalawang sundalo, posible kayang may pag-ib...