PANG-APATNAPUT-LIMA

2.4K 105 33
                                    

Matapos mabayaran ni Rachelle ang ospital at ang dalubhasa na siyang sumuri sa labi ng pinanghihinalaang katawan ni Sebastian, sunod na pinuntahan ng dalaga ang mag-asawang mangingisda, na nakakita sa duguan at walang malay na katawan ng Komandante.

"Maraming salamat po sa inyo sa pagtulong sa nobyo ko, bilang kapalit sa kabutihang ginawa ninyo, hayaan po ninyo tanggapin ang kaunting pera na galing sa aming pamilya." saad ni Rachelle sa pobreng mag-asawa sabay abot nito sa sobreng may laman na isandaang libong piso.

Masaya si Aling Josefa na nakatulong silang mag-asawa at hindi nila inaasahan na kapalit ng pagtulong nila sa nakita nilang lalaki, heto ngayon at hawak niya ang alam ng matanda na taliwas sa kaunting pera na saad ng babaeng kausap nila.

"Mawalang galang na po mam, bakit po ayaw ninyong ipaalam namin sa otoridad ang tungkol sa natagpuan naming lalaki?" tanong ni Manong Edgar, na bagamat aminado itong maganda at mukha namang mabait ang kausap na dalaga ay diskumpiyado parin ito.

Napaghandaan na lahat ng matalinong si Rachelle ang mga sandaling ito, kaya naman kaagad nitong inilabas ang larawan nilang magkasama ni Sebatian.

"Sa nakikita ho ninyong masayang larawan namin ng nobyo ko, siguro naman po ay naniniwala kayong kilala ko po ang taong tinulungan ninyo at para po sagutin ang katanungan ninyo patungkol sa pakiusap ko po sa inyo na 'wag ng ipaalam sa mga pulis ang nangyari, sa dahilang marami pong nagtatangkang masamang loob sa nobyo ko dahil sa mayaman po ito. Nakita po ninyo ang kalunos-lunos na sinapit niya ngayon at kasalukuyan po siyang nakikipaglaban kay kamatayan at ako po ay nangangamba na baka hindi niya masilayan ang pagsilang na una naming anak." mahabang paliwanag ni Rachelle at naluha na rin sa mga oras na iyon.

"Pagpasensiyahan mo na ang asawa ko hija, salamat sa pagbibigay sa amin ng ganitong kalaking pera at hayaan mo walang ibang makakaalam sa nangyaring pagtulong namin sa nobyo mo at huwag ka rin mag-alala hija, gaya naming mag-asawa ay tikom ang mga bibig ng mga kapit-bahay namin." saad ni Aling Josefa.

"Salamat po kung ganun, hayaan po ninyong ipahatid ko na kayo sa driver namin." saad ni Rachelle at niyakap pa ang matandang babae.

"Hindi na hija, gaya ng sinabi ng asawa kong si Josefa, maraming salamat sa ibinigay mong pera sa amin at hangad rin namin na magising at gumaling kaagad ang nobyo mo." saad ni Mang Edgar na kahit pa nakita na sa larawan ang mukha ng lalaking nailigtas nila ay 'di parin nawawala ang kanyang pagdududa, na may itinatago ang babae sa kanila.

"Wala po 'yon at palagi po kayong welcome para bisitahin ang nobyo ko." saad ni Rachelle.

Pag-alis ng mag-asawa ay muling tinawagan ni Rachelle ang imbestigador, na hindi niya inaasahan na tunay ngang magaling sa kanyang trabaho at may malaking naitulong sa kanya para maisakatuparan na muling makasama niya si Sebastian.

"Anong balita sa pamilya Manalo at sa pamilya Manlangit?" bungad ni Rachelle sa kabilang linya.

"Gaya ng inaasahan mam, paniwalang-paniwala sila na si Sebastian nga ang taong sakay ng sumabog na jeep. Sa katunayan nga'y ngayong araw, nailibing na nila ang bangkay ng wala pang pagkakakinlanlan na lalaki." sagot ng imbestigador.

"Mabuti kung ganun, gaya na pangako ko sa'yo, nailagay ko na sa account mo ang kabuuang bayad sa serbisyo mo sa nakalipas na buwan at manatili ka lang sa pagbabantay sa pamilya Manalo at hindi na kailangan pang bantayan ang pamilya Manlangit, dahil sigurado akong babalik rin kaagad ng Amerika ang mga 'yon."

"Masusunod mam."

...

Sa baryo San Agustin.

Matapos ang pakikipag-usap ng mag-asawang Edgar at Josefa kay Rachelle sa ospital ay kararating lang ng dalawa sa kanilang bahay.

"Josefa 'wag mong gagalawin ang ibinigay ni mam Rachelle na pera sa atin, may naitabi pa akong pera sa silid at iyon na lang ang ipambili mo ng mga pagkain natin." saad ni Edgar sa asawa at nagtungo na ito sa silid nilang mag-asawa para kuhanin ang nasabing pera.

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon