Hindi na nabilang pa sa daliri ni Hansel, kung ilan bag ng mga damit, mga pantalon at mga sapatos ang ngayon ay tapos ng mabayaran ng among sundalo. Sa ginawang pagtulong ng babaeng saleslady kanina, lahat ng makita nitong babagay sa binatang si Hansel ay kaagad na tinatabi ng babae at heto nga ngayon, umabot ang lahat ng mga ito sa presyong 200,000 pesos.
"Si-sir ang dami naman ng mga 'yon." nahihiyang saad ni Hansel.
"Don't worry Hans, hindi naman kita sisingilin, ituring mo na lang 'yan na regalo ko sa'yo. Isa pa, magagamit mo ang mga 'yan sa pagpasok mo sa trabaho at gusto kong maging presentable ka rin, lalo na kapag may bisita akong pumunta sa bahay ko." saad ni Erick.
"Pe-pero sir." saad ng nahihiya pa rin na si Hansel.
"Hansel, hindi mo tatanggapin ang mga 'yon o gusto mong mawalan ka ng trabaho? At alam kong alam mo ang susunod na mangyayari pagkatapos nun." seryosong saad ni Erick.
"Si-sige po sir, tatanggapin ko na po, sa-salamat po sir." nakayukong saad ni Hansel na wala ng nagawa, kungdi ang tanggapin ang mga gamit na sobrang mahal ang presyo para sa kanya.
"Mabuti kung ganun, halika na kumain na muna tayo, bago kita ihatid sa trabaho mo." saad at yakag ni Erick kay Hansel.
"Si-sir, hindi na po, magtataxi na lang po ako at tsaka busog pa naman po ako." nahihiyang tanggi ni Hansel.
"Hansel, sa ayaw at gusto mo'y sasamahan mo akong kumain at wala ka na rin magagawa dahil nakapagdesisyon na akong ihahatid-sundo kita sa trabaho mo." seryosong saad ng sundalo.
"Pe-pero sobrang nakakahiya na po sir, ayoko pong maabala pa kayo."
"Hindi ka malaking abala para sa'kin Hans, isa pa responsibilidad kita dahil nagtatrabaho ka sa akin. At para hindi na maulit ang nangyari kahapon. Sa tuwing wala ako at hindi kita maihahatid o masusundo, may kinuha na rin akong magiging driver mo, mayroon rin na dalawang guards na magbabantay sa bahay ko para siguradong ligtas ka." mahabang saad at paliwanag ni Erick.
"O-okay po sir." sukong sagot ni Hansel na wala naman magagawa kungdi sundin ang among sundalo.
...
Pagkatapos kumain ni Erick at Hansel ay umuwi na ang mga ito. Gaya nga ng sabi ng among sundalo, nakita ni Hansel ang dalawang nakasuot ng uniporme na pang-guwardya na naririto ngayon sa loob ng bahay ng among sundalo at isa pang pamilyar kay Hansel na medyo may edad na lalaki.
"Jojo, Arjay, heto si Hansel ang isa pa ninyong amo, gaya ng utos ko sa inyo, kayong dalawa ang bahala sa pagbabantay sa kanya kapag wala ako." baling ng Komandante sa dalawang guwardya.
Nahiya naman si Hansel sa pakilala sa kanya ng among sundalo.
"Opo sir." sabay na sagot ng dalawa.
"Mang Popoy, kilala niyo na ho si Hansel hindi ba? siya ang ipagmamaneho ninyo kapag may gusto siyang puntahan." baling naman ni Erick sa matanda, na siya rin driver ng Komandante noon.
"Naiintindihan ko sir." sagot ng matanda kay Erick. "Ikinagagalak kong makita kitang muli sir Hansel." baling naman ng matanda kay Hansel.
"Sa-salamat po, masaya rin po akong makita uli kayo." sagot ni Hansel na natandaan na kung sino ang matanda, siya ang driver ng kuya Erick niya noon.
"Arjay, Jojo, 'yung napag-usapan natin, kapag umaalis ang sir Hansel ninyo kasama si Mang Popoy, sumama ang isa sa inyo." baling muli ni Erick sa dalawa.
"Naiintidihan namin sir." sabay na sagot ng dalawang guards.
"Mabuti kung ganun, heto nga pala may dala akong pagkain para sa inyo" baling ni Erick sa mga guards sabay abot ng mga pagkain.
"Mang Popoy, samahan ninyo kami ni Hansel sa loob." baling naman ni Erick sa matanda.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig ng Sundalo Book I
RomantiekPrivate Richard Manalo, bunso sa tatlong magkakapatid na lalake na kapwa rin sundalo at Heneral naman ang kanilang Ama. Major Sebastian Manlangit kaibigan ng mga kuya ni Richard. Sa pagtatagpo ng landas ng dalawang sundalo, posible kayang may pag-ib...