Natigilan si Hansel sa narinig nito sa Komandante. Iniisip nito kung makakaya ba niya ang maging personal maid ni Erick, walang kaso kay Hansel ang mga gawaing bahay dahil namulat silang magkapatid na ang isa't-isa lang ang sandigan matapos ang pagkawala ng kanilang mga magulang sa mura nilang edad. Ang nararamdaman nitong pag-ibig para sa Komandante ang isa sa malaking rason kaya ito napaisip sa kondisyon ng sundalo, alam ni Hansel na kapag tinanggap niya ang alok ni Erick, malaking torture para sa kanya ang makasama ito sa iisang bubong.
"Mukhang ayaw mo yata Hansel, madali naman akong kausap, sige bibigyan kita ng dalawang araw para pag-isipan mo ang kondisyon ko sa'yo o kung mababayaran mo ako sa loob ng isang linggo ay kalimutan mo na ang mga napag-usapan natin. 'Yun ay kung makakahanap ka kaagad ng malaking halaga." mahabang saad ni Erick at napangisi pa ito sa huling mga sinabi.
"Hi-hindi na kailangan sir, tinatanggap ko ang kondisyon mo, nakahanda akong maging personal maid mo." sagot ni Hansel, na alam nitong kahit na anong gawin niya ay wala itong panalo sa Komandante.
Lihim na napangiti si Major Manalo, sa narinig na sagot sa kanya ni Hansel.
"Good decision then at para hindi mo isipin na masama akong tao, don't worry kada-araw sa pagiging personal maid mo, sampung libo ang ibabawas ko sa natitira mo pang utang na limang milyon dalawandaan at limampung libong piso. Sa madaling salita 525 days kang magiging dakilang utusan ko." nakangising saad ni Erick.
Napayuko na lamang si Hansel sa narinig nito sa Komandante, gayunpaman nakahanda itong gawin ang kahit na anong gusto ng huli. Kung tutuusin kulang pa ang maging personal maid ni Erick, sa laki ng kasalanan nilang mag-ate sa kanya at malaking utang rin ni Hansel sa sundalo, kung bakit hanggang ngayon ay patuloy parin na lumalaban ang kanyang ate.
"Ka-kailan ako mag-uumpisa sa aking trabaho sir." tanong ni Hansel sa Komandante.
"Ikaw ang bahala, pero kung ako sa'yo, mas maaga ay mas mainam para kaagad mong mabayaran ang mga utang mo." kaagad na sagot ni Erick.
"Sige sir, bukas na bukas ay mag-sisimula na ako." saad ni Hansel.
"Mabuti kung ganun, heto ang calling card ko, tawagan mo ako bukas para maihatid na rin kita sa bahay kung saan mo sisimulan ang trabaho mo." saad ni Erick at abot nito sa card.
Kaagad naman tinanggap ni Hansel ang calling card.
"See you tommorrow then." huling saad ni Erick at iniwanan na si Hansel.
'See you tommorrow kuya.' saad sa isip ni Hansel at nanlalambot itong napaupo sa upuan.
...
'Tama ba ang mga ginawa ko.' saad sa sarili ni Erick, na kasalukuyang nasa loob ng sasakyan.
'Pero normal lang na makaramdam ako ng galit.' saad muli ni Erick sa sarili at pinaandar na nito ang sasakyan....
Matapos ang ilang oras na pamamasyal sa Baguio, huminto sina Sebastian at Richard sa Burnham Park na isa sa mga lugar na palaging pinupuntahan ng mga turista sa nasabing siyudad.
"Sir tara sumakay tayo ng bangka." yakag ni Richard sa Komandante.
"Hindi ka pa ba pagod baby?" tanong ni Sebastian sa kasama.
"Hindi pa sir, 'wag mong sabihin napagod ka na Baste." simula ni Richard.
"Kunsabagay 'di kita masisisi, kaagad talagang napapagod ang mga may edad na." asar pa ni Richard."Narinig ko 'yon baby, sige magbabangka tayo, pero mamayang gabi papatunayan ko sa'yo na matagal akong mapagod." ngising asar pabalik ni Sebastian.
Pinamulahan ng mukha si Richard sa narinig sa Komandante.
"Tignan na lang natin sir." sagot ni Richard ng makabawi.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig ng Sundalo Book I
RomancePrivate Richard Manalo, bunso sa tatlong magkakapatid na lalake na kapwa rin sundalo at Heneral naman ang kanilang Ama. Major Sebastian Manlangit kaibigan ng mga kuya ni Richard. Sa pagtatagpo ng landas ng dalawang sundalo, posible kayang may pag-ib...