PANG-LABING-WALO

3.1K 132 15
                                    

Sa nasaksihan, ibayong selos at galit ang naramdaman ni Sebastian. At para hindi sumabog ang emosyon na 'yon, ginawa ni Sebastian ang lahat para kahit papaano'y uminahon ito bago lumabas ng sasakyan.

Pag-alis ni Lorenzo, wala sa sariling naglakad papasok sa kanila si Richard, kaya naman gulat ang reaksyon nito pagkakita kay Sebastian na bumaba ng sasakyan.

"Baste?!"

Hindi pinansin ni Sebastian at parang wala itong narinig sa reaksyon na 'yon ni Richard, bagkus dumiretso ito papasok sa bahay ng huli.

Hindi parin makapaniwala si Richard, na nasa harap niya ngayon ang lalaking ilang araw rin niyang namiss. At gusto man nitong yakapin at halikan si Sebastian ay pinigil niya ang sarili at baka makita silang ng kanyang mga magulang. Kaya naman, minabuti niyang sundan na lamang ang Komandante, na lalong kumisig at gumwapo sa paningin niya sa suot nitong uniporme.

Saglit na natigilan sa pagsunod si Richard, nang makita nito na sa opisina ng kanyang amang heneral ang tungo ni Sebastian.

"Permission to enter sir." saad ni Sebastian na nakapagbalik kay Richard. At nakita na lamang nito, ang pagpasok ni Sebastian sa opisina ng ama na 'di man lang siya nito kinausap.

Alam ni Sebastian ang ginawang pagsunod na 'yon ni Richard. Sa totoo n'yan, bago pa ito bumiyahe pabalik dito sa bahay ng huli, gusto nitong surpresahin ang bunso ng heneral. Pero hindi n'ya naisip na s'ya pala ang masusurpresa, nang makita si Richard na kayakap ang sundalo, na nung nagpapagaling siya dito sa kanila ay siya rin sundalong kasama nitong umuwi pagkagaling nito sa kampo. Kanina ng makita n'ya ang gulat na reaksyon ni Richard. Lalong tumibay ang akala ni Sebastian, na may namamagitan nga kay Richard at sa kasama nitong sundalo. Kaya naman ikinuyom na lang niya ang kanyang mga kamay para pigilan ang galit at sama ng loob nito. Hindi ito makapaniwala, na sa ikalawang pagkakataon na muling umibig siya, mabibigo lamang ulit s'ya. Ang masakit pa, kita ng dalawang mata n'ya ang pagbalewala ni Richard sa nabuo nilang relasyon.

"Have a seat Manlangit." saad ni Heneral Manalo na nakapagbalik sa kasalukuyan kay Sebastian na kaagad namang umupo.

"Any good news regarding with the terorists?" bungad na tanong ni Heneral Manalo.

"Yes sir, I have a good news about them. One of our asset comfirmed their current location and sent me several pictures." sagot ni Major Manlangit, sabay pakita nito sa mga larawan kay Heneral Manalo.

"You're right, this is a good news and I assume your here for my go signal." kumpirma ni Heneral Manalo.

"Sir, yes Sir." magalang na sagot ni Major Manlangit sa kanyang Commander in Chief.

"Well, you will have it and go get that son of a bitch, once and for all." saad ni Heneral Manalo na 'di na naiwasang magmura dahil sa laking gulo at perwisyo na ang naging dulot ng mga teroristang grupo sa bansa.

"Sir, yes sir!" sagot at saludo ni Major Manlangit.

Ilang minuto rin na naghintay malapit sa opisina ng kanyang ama si Richard, nais nitong makausap ang namiss nitong si Sebastian. At ilang saglit pa nga, nakita nitong bumukas ang pinto sa opisina ng ama, na laman ang papalabas na si Sebastian.

"Sir." tawag pansin ni Richard kay Manlangit, na sa ganitong paraan kung marinig man ng kanyang mga magulang ay 'di magtataka ang mga ito.

"Yes, Manalo." balik ni Sebastian na 'di man lang kayang tignan sa mga mata si Richard.

"Pwede ba tayong mag-usap kahit sandali." sagot ni Richard na nagtataka kung bakit nag-iba ang pakikitungo ni Sebastian sa kanya.

"Sige." tipid na sagot ni Sebastian.

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon