PANG-LIMAMPUT-ANIM

1.9K 91 2
                                    

Pag-alis ng kaibigan ni Baste, kaagad tinawagan ni Rachelle ang tauhan na katuwang niya sa lahat, para manatiling lihim ang tungkol sa buhay pang Komandante.

"Baldo paano nalaman na ng mga Manalo ang tungkol kay Baste!" singhal ni Rachelle sa tauhang imbestigador.

"Mam paano nangyari iyon?"

"Tanga! Kaya nga tinatanong ko sa'yo dahil trabaho mo ang tungkol dun, ngayong alam ng nila ang tungkol kay Baste, siguraduhin mo lang na hindi ako madadamay kapag nagsalita ang binayaran natin." inis na saad ni Rachelle.

"Relax mam, matagal na ako sa trabaho kong 'to at malinis akong trumabaho."

"Dapat lang dahil malaking pera ang ibinayad ko sayo, sige magpalamig ka muna, tatawagan ulit kita kapag may ipapagawa pa ako." huling saad ni Rachelle sa kausap sa telepono.

'Hindi basta-bastang makukuha ka nila sa akin, mahal.' kausap ni Rachelle sa wala paring malay na Komandante.

...

"Bunso anong nararamdaman mo ngayon?" tanong ni Erick sa kapatid, na katabi nito sa private jet nila at anumang oras ay lalapag na sa Zamboanga.

"Hindi ko maipaliwanag kuya, pero isa lang ang gusto ko ngayon at yun ay muling makita at mahawakan si Baste." sagot ni Richard.

"At magagawa mo iyon bunso, nandoon na rin sa ospital si Vince kasama ng pinsan nating si Ariel."

"Siguro sinadya ng Diyos na ito ang mangyari, para matagpuan rin natin sila pinsan." 'di na napigilang saad ni Richard.

"Tama ka Chard, pero sana ihanda mo rin ang sarili mo kapag nandoon na tayo sa ospital." payo ni Erick sa kapatid. Naipaalam na rin ni Vince sa Komandante ang lagay ngayon ni Sebastian, pati na ang tungkol sa dating nobya ng huli.

"Anuman siguro iyon kuya, nakahanda ako basta makita ko lang muli si Baste." sagot ni Richard.

...

"Sigurado ka na ba love?" tanong ni Mikael sa kasintahan.

"Natatakot ako love, pero tama si kuya, panahon na para magkita sila tatay at si tito." sagot ni Ariel.

"Sang-ayon ako dun love, pero ang tungkol sa atin sigurado ka na rin ba?"

"Sandali love, natatakot ka ba kay tatay?" biro ni Ariel sa kasintahan, pero ang totoo'y takot rin ito sa magiging reaksyon ng kanyang ama.

"Love, alam mong ipaglalaban ko kahit kanino ang pagmamahalan natin, ikaw lang ang inaalala ko." sagot ni Mikael sa kasintahan at ilang sandali pa ay huminto na ito sa pagmamaneho sa sasakyan at narating na nila ang bahay nila Ariel.

"Salamat love, tara na at sana hindi ako mapatay ni tatay." saad ni Ariel at una ng bumaba sa sasakyan ng nobyo.

...

Abalang kumakain ng tanghalian si Edgar at Josefa ng makita ng ginang ang pagdating ng anak kasama ang isang lalaki. Kita rin ni Josefa ang magkahawak kamay ng dalawa at bilang nanay ni Ariel, hindi na nagtaka pa ang ginang sa nakikita niya ngayon.

Napatingin naman si Edgar sa gawi ng tinitignan ng kabiyak at kaagad na natuwa sa nakitang pagdating na iyon ng kaisa-isa nilang anak, ngunit kaagad rin napalitan ng pagkunot ng noo nito, sa nakita rin na hawak-hawak sa kamay ng anak.

"Magandang hapon po." magalang na bati ng Kapitan sa mga magulang ni Ariel.

"Tay, nay, si Mikael po, nobyo ko po." pakilala ni Ariel sa mga magulang sa kanyang kasintahan.

Kaagad na tumayo si Edgar matapos ang narinig na iyon sa anak. Sinundan naman siya ni Josefa na nag-aalala sa maaring gawin ng kabiyak sa kanilang anak.

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon