PANG-APATNAPUT-SIYAM

2.4K 103 12
                                    

Abala si Hansel sa pagliligpit ng mga pinagkainan nila, matapos ang hapunan kasama ang magkapatid na sundalo, nang tulungan siya ni Richard sa ginagawa nitong pagliligpit.

"Si-sir! Ako na lang at nakakahiya!" nababahalang saad ni Hansel sa pagtulong na 'yon ni Richard.

"Hansel, okay lang. Para mas madali tayong matapos." sagot ni Richard at baliwala nito kay Hansel.

Nakita ni Erick ang pagtatalo ng dalawa, kaya naman nilapitan niya ang mga ito na kasalukuyan ng nasa lababo sa kusina.

"Hindi ka mananalo d'yan kay Richard, Hans, hayaan mo na siyang tulungan ka niya." saad ni Erick na masaya sa nakikitang samahan ng dalawa.

"Tama si kuya Hansel, para saan pa at Manalo ang apelyido namin, at sa tingin ko'y hindi ka rin nananalo pagdating kay kuya hindi ba?" ngising baling ni Richard kay Hansel at ganti na rin sa kuya nito.

Kapwa natigilan si Erick at Hansel sa tinuran na iyon ni Richard. Si Erick na binantaan sa pamamagitan ng tingin ang kapatid, na baka madulas ito at maipalam kay Hansel ang nararamdaman niya. At si Hansel na pinamulahan ng mukha, na para bang may iba pang ibig na ipahiwatig sa kanya si Richard sa nakita nitong pagngisi ng huli.

"Richard mabuti pang ang paghuhugas mo ng plato ang atupagin mo, kung gusto mo talagang tulungan si Hansel sa ginagawa niya." saway ni Erick sa kapatid.
"At Hansel, 'wag mong intindihin ang pinagsasabi ni Chard." baling naman ng Komandante kay Hansel. At matapos nun ay inawanan na niya ang dalawa.

Sasagot palang sana si Hansel sa among sundalo, ngunit nakita na lang nito ang likod ng umalis na palang amo.

Nakita naman ni Richard ang ginawang 'yon ng katabi at kita rin nito sa mga mata ni Hansel, ang pagmamahal na klase ng tingin na ipinukol ng binata patungo sa kanyang kuya. Kaya naman hindi na napigil ni Richard ang kanyang sarili, sa mga sumunod na binitawan nito.

"May boyfriend ka na Hansel?"

Muntik ng mabitawan ni Hansel ang hawak na baso, sa narinig na 'yon kay Richard.

"Wa-wala pa sir." kabang sagot ni Hansel kay Richard at minabuti nitong 'wag tingnan ang katabi at ipagpatuloy na lang ang paghuhugas ng mga pinagkainan nila.

"Pero manliligaw meron?" tanong muli ni Richard na ayaw tantanan si Hansel.

"Hindi ko pa iniisip ang mga tungkol sa bagay na 'yan sir."

"Bakit naman? Pero siguro, nagugustuhan meron ka?" ayaw paawat na tanong ni Richard, na sa pamamagitan nito'y gusto nitong mapatunayan ang hinila nila ng kanyang kuya.

Sandaling hindi nakasagot si Hansel sa tanong na iyon ng sundalo, sa isip nito ay mukhang nakakahalata na ang katabi sa itinatago niyang pag-ibig para sa Komandante. At sa isiping 'yon ay nababahala si Hansel na baka maging ang among sundalo ay batid na rin ang kanyang tunay na nararamdaman.

"Pasensya na sa mga tanong ko, Hansel, masyado na yatang naging personal ang mga iyon." saad muli ni Richard ng hindi sagutin ni Hansel ang huli niyang tanong. Ayaw man gawin ni Richard ang nagawang pagtatanong ng personal sa katabi, hindi pinagsisihan ng sundalo iyon. Dahil napatunayan ni Richard na may malalim na rason si Hansel, kung bakit pinipigilan nito ang sarili na mahalin ang Komandante. At gaya nga ng naisip ni Richard, na marahil ang ate ni Hansel ang malaking rason na iyon, isang payo ang ibinigay nito sa katabi.

"Hansel, maikli lang ang buhay ng tao, kung sa tingin mo'y magiging masaya ka kapag nasuklian ng taong 'yon ang pag-ibig mo, mas mabuti kung ipagtapat mo na kaagad iyon, kung hindi naman niya masuklian ay okay lang, ang mahalaga ay hindi mo pinagsisihan na malaman ng taong 'yon ang nararamdaman mo. Tignan mo ako, naging maikli man ang pagmamahalan namin ni Baste, masaya akong naipadama namin ang pagmamahal namin sa isa't-isa dahil hindi ako natakot, hindi man niya masuklian iyon nung una. Kaya sana, isantabi mo muna ang iba at mas bigyan mo ng pagkakataon na lumigaya ang sarili mo." mahabang payo ni Richard kay Hansel at sa mga binitiwan nitong payo, alam ng sundalo, na alam na ng katabi nito na may ideya na siya sa nararamdaman nito sa Komandante.

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon