PANG-APATNAPUT-ANIM

2.6K 99 37
                                    

Dalawang linggo ang nakalipas matapos ang nangyari kay Richard. Walang katapusang paghingi ng tawad ang ginawa ng sundalo, sa mga magulang at mga kapatid nito sa kanyang nagawa. Bago kasi ang pagkakaroon nito ng malay, matapos ang kanyang dalawang araw na mahabang tulog, na dulot na rin ng pampakalma na ibinigay sa kanya ng duktor, isama pa sa nakalipas na buwan ay hindi siya nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kay Sebastian. Ilang sandali bago magising si Richard ay napanaginipan nito ang mahal nitong sundalo. Sa panaginip ni Richard ay ang imahe ni Sebastian na nakatalikod at palayo sa kanya, habang wala naman siyang tigil sa paghabol sa papalayong Komandante at naging dahilan ng kanyang paggising. Hindi mawari ni Richard kung anong ibig sabihin ng panaginip niyang iyon at habang hinahabol niya ang Komandante sa panaginip na iyon, pakiwari ni Richard ay hindi ang patay ng si Sebastian ang kanyang napanaginipan at para sa kanya ay buhay na buhay ito. Kaya naman lubos na pinagsisisihan ni Richard ang nagawa sa sarili, pagkagising nito. Minabuting rin nitong 'wag na lamang ikwento ang panaginip na iyon kahit kanino, lalo na ng sabihin ng mama nito na kailangan siyang patignan sa espesyalista, dulot ng kanyang nagawa. Walang ginawang pagtutol si Richard sa sinabing iyon ng kanyang mga magulang at sinang-ayunan naman ito ng kanyang mga kapatid. Alam ni Richard na tama ang mga ito, na kailangan niya ng tulong para matanggap ang pagkawala ng Komandante, pero sa puso ni Richard mananatiling buhay ang pinakamamahal nitong sundalo.

At ngayon nga nakatakda ang unang araw niya, para makipagkita sa kanyang psychologist.

"Handa ka na ba bunso?" bungad ni Erick ng makita si Richard.

"Oo kuya." sagot ni Richard at pilit itong ngumiti sa kapatid.

"Basta relax ka lang okay? Alam kong kakayanin mo kung anuman ang itatanong sa'yo. Isa pa, nasa labas lang ako at anytime na gusto mo ng lumabas naghihintay lang ako sa'yo."

"Salamat kuya." sagot ni Richard sa kapatid.

"Basta para sa'yo bunso, sa susunod naman kasama natin si Vince, eh nagpupumilit pang sumama ngayon, pero ng malaman kong bukas na ang pag-uwi ni Velasco sa kanila ay sinabihan kong samahan niya na lang ito at magdate silang dalawa." saad ni Erick at kwento pa nito.

Hindi naman maiwasan ni Richard na mapangiti dahil sa kanyang narinig, hindi man naging maganda ang nangyari sa kanila ni Sebastian, ang ikasasaya ng kapatid at nang kaibigan rin na si Lorenzo ang hangad ng sundalo.

"Mabuti naman kuya at ginawa mo iyon, masaya ako para sa kanila at sa susunod kailangan ko na rin makilala ang tinutukoy ni Kuya Vince na lalaking mahal mo." saad at tukso ni Richard sa kapatid.

Sa nakikitang lagay ngayon ng kapatid, kahit papaano ay nabawasan na ang pag-aalala ni Erick na muling gagawa ng ikapapahamak si Richard. At handa nitong pagbigyan ang hiling na iyon ng kapatid, alam na rin sa sarili ng Komandante na hindi na lang basta gusto na lang niya si Hansel, kungdi mahal na rin niya ito.

"Sige ba, pagkatapos natin sa pagkikita ninyo ni Dok, isasama kita sa bahay ko at ipapakilala ko na kayo sa isa't-isa." sagot ni Erick sa kapatid.

"'Di nga kuya?"' di makapaniwalang tanong ni Richard sa kapatid.

At isang ngiti lang ang naging sagot ng Komandante, para ipahatid sa kapatid na totoo ang narinig nito.

...

Gaya nga ng payo ng kanyang kuya. Kasalukuyang nasa labas ng apartment ni Lorenzo si Vince at hinihintay nito ang paglabas ng una.

At ilang minuto lang na naghintay ang Kapitan at lumabas na si Lorenzo.

Ang guwapong mukha ng bihis na bihis na Kapitan ang bumungad kay Lorenzo pagkalabas nito sa inuupahan. Kanina ng sagutin nito ang tawag ni Vince, ipinaalam ng Kapitan ang pag-aya nitong kumain sila sa labas at walang pagdadalawang-isip naman na pinaunlakan ng pobreng sundalo ang nais na iyon ng Kapitan.

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon