Sa mga sumunod na araw ay unti-unti ng gumagaling ang mga sugat ni Sebastian. Ang pananakit naman ng kanyang katawan, lalo na ang kanyang balikat ay hindi na gaano pa ang pagsakit nito at naigagalaw na niya kahit papaano. Nahihiya na rin siya kahit papaano na humingi pa ng tulong kay Richard na naging parang personal na nitong nurse sa ilang araw na lumipas. Kaya sinikap niyang gawing mag-isa, lalo na ang pribadong gawain ng isang tao. Hindi nga maalis sa isip niya, ang pamumula ng mukha ni Richard sa hiya, nung araw na humingi siya ng tulong sa panahong nasa ospital pa siya.
Marami na rin siyang nalaman tungkol kay Richard, na madalas na samahan siya nito pagkagaling nito sa ilang oras niyang pagpasok sa kampo. Lagi pa itong nagrereklamo sa kanya, dahil gaya nga ng kanyang inaasahan sa kanya mama. Ipinaalam ng kanyang amang Heneral ng dalawang buwan siyang magtratrabaho sa opisina at laging paper works ang makakaharap niya.
Pagtingin ni Sebastian sa oras na nasa wall clock ng kanyang silid, inaasahan niya na ilang minuto mula ngayon ay darating na si Richard. At tama nga s'ya, pero ang inaasahang mag-isang si Richard ay may kasama ito nang dumating.
...
Matapos makausap ni Lorenzo si Richard, sumunod na ginawa ng sundalo ay tignan ang mga impormasyon ng kapwa sundalo sa internet. Sa ilang oras na paghahanap niya, hindi ito nabigo na malaman ang ilang impormasyon sa kapwa sundalong pumukaw sa kanya.
Matapos ang ilang araw at mukhang tinutulungan siya ng tadhana. Nadestino si Private Lorenzo Velasco sa Cavite. Ang nasabing lugar ay siya rin nakita ni Lorenzo sa internet, kung saan nakatira si Richard. Ibayong saya nga ang nadama at hindi na makapaghintay pa si Lorenzo na makitang muli, ang ilang araw ng laman ng kanyang isip na si Richard. Dala ng komunikasyon nila ni Richard sa mga nakalipas na mga araw, nalaman ni Lorenzo kung saan nagtratrabaho ngayon si Richard at ngayong araw mismo ay bibisitahin niya ito.
"Magandang Hapon po, nandirito ba si Private Manalo?" bungad ni Lorenzo kay Richard, na abala sa pagtingin sa mga tambak na papeles sa kanyang harapan.
Sa narinig naman ay napatingin si Richard sa nagsalita.
"Renz?" 'di makapaniwalang saad ni Richard.
"Ako nga Chard, mukhang busy ka ah." sagot ni Lorenzo sabay turo pa sa maraming papeles sa mesa ni Richard.
"Sinabi mo pa." saad ni Richard at napabuntong hininga pa. "Maiba ako anong ginagawa mo dito?" baling naman nito kay Lorenzo.
"Dito ako sa Cavite nadestino at kahapon nakita kita rito kaya lang paalis ka na. Kaya ngayon, naisipan kong dalawin ka para na rin magkita tayo." sagot ni Lorenzo.
"Buti ka pa, ako dalawang buwan na mga papeles ang kalaban ko." reklamo ni Richard sa kausap.
"Bakit naman at dalawang buwan? Ang tagal naman nun." 'di makapaniwalang saad ni Lorenzo.
"Dahil sa mom ko, kinausap niya si papa na 'wag muna akong pabalikin sa field, kaya ngayon nandirito ako." paliwanag ni Richard.
"Ganun ba? Wala na tayong magagawa, ang hirap pala ng sitwasyon mo." simpatya ni Lorenzo sa kausap. "Mabuti pa samahan mo akong mamasyal paglabas mo." suhestiyon pa nito.
"Pasensya na Renz, pero kung gusto mo ay samahan mo na lang ako sa amin. Para na rin makita mo si Major Manlangit." tanggi ni Richard at imbita kay Lorenzo na napakunot noo naman sa narinig.
"Bakit? Kasama mo si Major Manlangit?"
"Ah oo, sa amin siya pansamantalang tumutuloy. Mamaya paglabas ko ikukwento ko sa'yo ang lahat ng mga nangyari." saad naman ni Richard.
...
Ngayon nga ay kasama ni Lorenzo si Richard at pagbukas ng pinto ay bumungad ang nagtatakang mukha ni Sebastian sa kanila.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig ng Sundalo Book I
RomancePrivate Richard Manalo, bunso sa tatlong magkakapatid na lalake na kapwa rin sundalo at Heneral naman ang kanilang Ama. Major Sebastian Manlangit kaibigan ng mga kuya ni Richard. Sa pagtatagpo ng landas ng dalawang sundalo, posible kayang may pag-ib...