PANG-ANIMNAPUT-LIMA

2.4K 113 10
                                    

Dalawang linggo matapos magkamalay si Sebastian, ngayon ang takdang araw ng paglabas nito ng ospital. At kasalukuyan nitong kausap ang kanyang mga magulang.

"Masaya kami ng mama mo Baste sa relasyong mayroon kayo ni Richard, at ngayon na magkakaroon na kayo ng anak sa tulong ni Rachelle, siguro naman anak alam mo na ang ibig sabihin nun." nakangiting saad ni Alfredo.

"Opo pa, kaya nga sosorpresahin ko na si Chard." sagot ni Sebastian na hindi na makapaghintay sa gagawin nito.

"At deserve ni Richard iyon anak, dahil kita namin ng papa mo ang pagmamahal niya sa'yo, at alam namin na para kayo sa isa't-isa noon pa." saad ni Maritess at simula nito sa isang bagay na hindi alam ng kanyang anak at ni Richard.

"Anong ibig mong sabihin ma?" takang tanong ni Sebastian.

"Kasi noon ng ipinagbubuntis pa lang ni Aurora si Richard, buong akala talaga namin ay babae ang ipinagbubuntis niya. Kaya kaagad kaming nagkasundo ng mga Manalo, na kapag nasa wastong edad na ang bunso nila, ipapakasal namin kayo, kaya lang, nawala na ang kasunduang iyon ng malaman naming lalaki rin ang bunso nila." paliwanag ni Maritess.

Nakangiti naman si Sebastian sa sandaling iyon sa nalaman at nagpatuloy ito sa pakikinig sa kanyang mama.

"Pero kahit pa nawala na ang kasunduang iyon, tinukso ko pa ulit ang mag-asawang Manalo, lalo na at legal naman ang same sex marriage sa America, eh sa panahong iyon pareho pa kayong walang nobya." pagpapatuloy ni Maritess sa pagkukuwento.

"Ano pong naging reaksyon ni Tito?" interesadong tanong ni Sebastian.

"Tinawanan lang ako noon ni Dado, pero si Aurora ay gusto rin ang ideya kong iyon." sagot ni Maritess at may ngiti sa kanyang labi, habang naalala ang nangyari noon.
"Kaya lang menor de edad palang noon si Richard, kaya hindi rin puwede ang ikasal kayo. Pagkatapos nung nasa wastong edad naman na siya, ipinaalam mo sa amin ng papa mo ang tungkol sa inyo ni Rachelle, kaya naman hindi na muli naming napag-usapan ni Aurora ang tungkol sa bagay na iyon." pagtatapos ng pagkukuwento ni Maritess.

"Tama ka ma, hindi man natuloy ang kasunduang kasal sana namin ni Richard noon, ipapangako ko na ilang buwan mula ngayon ay mangyayari iyon." saad ni Sebastian.

"At suportado namin iyon ng papa mo, anak." masayang saad ni Maritess at niyakap nito ang anak.

"Tama ang mama mo Baste, kaya anak, alagaaan at 'wag mong sasaktan si Richard." sang-ayon ni Alfredo at payo nito sa anak.

"Makakaasa po kayo ni mama, pa." maagap na sagot ni Sebastian.

...

Pagbalik ni Richard sa kuwarto ni Sebastian, palabas naman ang mga magulang ng huli na katatapos lang kausapin ang kanilang anak.

"Sige hijo, puntahan mo na si Baste, mauuna na kaming babalik sa Manila." saad ni Maritess pagkakita nito kay Richard.

"Sige po tita, tito, ingat po kayo."

"Sige hijo, mauna na kami." saad ni Alfredo at niyakap nito, ang ilang buwan mula ngayon ay magiging opisyal na parte na ng kanyang pamilya. Sumunod ay niyakap rin ni Maritess si Richard, bago tuluyang umalis silang mag-asawa.

...

"Umalis na pala sila tito." bungad ni Richard kay Sebastian pagkapasok nito sa kuwarto.

"Oo baby, nagpaalam na rin sila sa akin. At ngayon ay masosolo na kita." ngising saad ni Sebastian.

"Alam ko ang ngising iyan Major Manlangit, pero kahit alam kong puwede na nating gawin iyon, tsaka na muna ang tungkol sa bagay na iyon, mabuti pa ay lumabas na tayo dito sa ospital." saad ni Richard na sinimulan ng ilagay ang mga gamit nila ni Sebastian sa mga bag.

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon