PANG-APATNAPU

2.4K 105 12
                                    

Natigilan si Private Velasco, matapos ang pagsigaw na 'yon ni Captain Manalo sa pangalan ni Major Manlangit. Kaagad rin nitong nilapitan ang malapit sa bangin na kinalalagyan ng Kapitan.

"Si-sir huminahon ka muna, hindi pa tayo sigurado kung nandoon nga si Major Manlangit, maaring kasalukuyan parin niyang tinutugis ang lider ng mga terorista." saad ni Private Velasco na umupo na para samahan ang nakaluhod parin na Kapitan.

"Hi-hindi mo naiintindihan Velasco. Ang sabi ni Samonte ay nakita niya si Baste na umalis at gamit niya ang isang jeep ng mga terorista. A-ayokong maniwala, pero ka-kailangan kong makatiyak na hindi nga si Baste ang nandoon." saad ng Kapitan at pababa na sana sa bangin.

"Sa-sandali sir, hayaan mong tumawag tayo ng mga makakasama natin sa pagbaba sa kinalalagyan ng sumabog na sasakyan, masyadong delikado kung dalawa lang tayong bababa sa bangin at baka may mga terorista pang nakaabang para tambangan tayo." pigil ni Private Velasco sa Kapitan.

"Tama ka Velasco, sige bumalik na muna tayo." saad ng Kapita ng mahimasmasan ito.

...

Ilang minuto matapos ang pagbalik nila sa mga kasamahang sundalo. Sa pangunguna ni Captain Manalo ay maingat nilang binaba ang nasabing bangin para puntahan ang sumabog na sasakyan.

Pagkarating sa kinalalagyan ng nasabing sasakyan. Dalawa sa kasama nilang eksperto ang kaagad na naghanap ng mga sample, para matukoy kung may tao ngang lulan ang sumabog na sasakyan at kung anong naging dahilan ng pagsabog nito.

"Sir! Kumpirmado na may taong lulan nga ang sumabog na jeep. Base na rin sa nasunog na katawan ng taong kaagad namin nakita. Kumuha na rin kami ng DNA sample rito para matukoy ang pagkakakilanlan ng tao." saad na isa sa mga forensic.

Kinabahan naman si Captain Manalo sa nalaman, ngunit umaasa parin ito na maaring hindi iyon ang kanyang kaibigan.

"Sir! May nakita akong isang silver bracelet." tawag ng isa pang forensic sa Kapitan.

Sa sandaling 'yon ibayong kaba na ang nararamdaman ni Captain Manalo, dahil alam ng Kapitan na may suot rin na bracelet ang Komandante, na ipinagmalaki pa sa kanya ng kaibigan na regalo daw 'yon sa kanya ni Richard.

"Ma-maari bang tignan ko ang bracelet." saad ng Kapitan na nanalangin na sana'y mali ang kanyang nasa isip.

Pagkaabot sa bracelet ay kaagad na tinignan ng malapitan iyon ng Kapitan. At sa nakitang dalawang letra na R.M. na naroon na nakaukit sa pulseras, sumunod na sumikip ang dibdib ng Kapitan kasabay ng pagdaloy ng masaganang luha sa mga mata nito.

"Ka-kay Baste ito." mahinang saad ni Captain Manalo, ngunit sapat na para marinig ng mga kasama niyang sundalo.

Nagulat si Private Velasco sa narinig na iyon sa Kapitan, maging ang mga kasama rin nilang iba pang mga sundalo. Sa sandaling iyon, iisa ang saloobin ng mga magkakabaro at ito'y ang labis na kalungkutan sa nalaman na wala na ang kanilang Komandante.

"Si-sir." saad ni Private Velasco at lumapit sa kinaroroonan ng nagpapakatatag na Kapitan.

"Hi-hindi ito totoo Velasco." saad ng nakayuko ng Kapitan.

"I'm sorry sir." tanging naging sagot ni Private Velasco sa nagdadalamhating Kapitan.

"Hi-hindi ang kagaya ni Baste ang basta-basta na lamang mamatay." saad muli ng Kapitan.

"Sir magpakatatag ka, hindi pa tayo siguradong si Major Manlangit nga ang taong 'yon, mas makakatiyak tayo kapag lumabas na ang resulta ng DNA test." pagbibigay pag-asa ni Private Velasco.

Sa narinig kay Velasco, hindi man sigurado ay pinanghawakan iyon ng Kapitan.

...

Ang pagsama ni Richard para sana sa gagawin nilang pagsalubong sa paparating na Presidente ng Amerika ay hindi na nito nagawa. Tinawagan niya si Major Guzman kanina at humingi ito ng paumanhin sa hindi nito pagtuloy para sa kanilang misyon. Nadismaya man sa kanya ang Komandante ay ipinagsawalang bahala na lang 'yon ni Richard. At ngayon nga ay kasalukuyan itong naghihintay ng balita sa naging misyon ng mga sundalo sa Tawi-tawi.

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon