PANG-LIMAMPUT-TATLO

2.1K 113 37
                                    

Ilang minuto na lang at lalapag na ang eroplanong lulan si Captain Manalo. Hindi pa rin makapaniwala ang Kapitan, na matapos ang higit na dalawang dekada ay makikita niya sa unang pagkakataon sa personal, ang kaisa-isang pinsan niya sa ama na matagal na niyang gustong makilala. Isa pang nasa isip ngayon ng sundalo, ang tungkol sa natanggap nitong mensahe sa email, na galing sa pinsan na importante raw na malaman niya kaagad. Nung una ay ayaw pang maniwala ni Vince na pinsan nga niya ang kachat niya online, pero ng sabihin nito ang tungkol sa kanilang namayapa ng lolo na si Don Guillermo Manalo, na tanging pamilya lang nila ang nakakaalam, doon na nakumpirma ng Kapitan na totoo ngang ang matagal na nilang hinahanap na pinsan ang kanyang kausap. At sa importante ngang gustong ipaalam sa kanya ng pinsan, hindi na nagdalawang isip pa si Vince na makipagkita sa gusto rin niyang makilala na kamag-anak.

Pagkalapag ng eroplano sa paliparan sa Zamboanga. Mabilis na bumaba si Vince at nang dumating na sa arrival area ay kaagad na hinanap ang mukha ng kanyang pinsan na si Ariel.

"Kuya!" sigaw ng isang boses.

Kaagad na sinundan ng mga mata ni Vince ang sigaw na iyon ng boses at ilang liko pa ng kanyang ulo, nakita na rin nito ang pinsan na kasalukuyang kumakaway sa kanya.

"Pinsan!" sigaw pabalik ni Vince at mabilis na naglakad palapit sa pinsang si Ariel.

Pagkalapit ng pinsang si Vince, mabilis na niyakap ito ng mahigpit ni Ariel.

"Masaya akong nakita na kita sa wakas pinsan." saad ni Vince at niyakap pabalik si Ariel.

"Ako rin, kuya."

"Uh hmm." tikhim ni Captain Guzman na sinamahan ang nobyo sa airport.

Kaagad naman humiwalay sa yakapan ang magpinsan.

"Guzman?!" medyo gulat na saad ni Vince ng makilala ang kapwa Kapitan rin na sundalo.

"Ako nga Manalo, 'di ko akalain na ikaw pala ang pinsan ni love, maliit talaga ang mundo." saad ni Mikael.

"Love?" naguguluhang saad ni Vince.

"Ah tawag ko kay Ariel, boyfriend ko ang pinsan mo." paliwanag ni Mikael.

"Naks! Pinsan nga kita Ariel, mahilig tayong mga Manalo sa mga sundalo." nakangiting saad ni Vince, na masaya para sa dalawa.

"Loko ka talaga bok, unang pagkikita palang ninyo ni love, tinukso mo na kaagad." naiiling na saad ni Mikael.

"Kilala mo ako Guzman." baling ni Vince sa kabaro.
"Oo nga pala pinsan, ano ang importanteng gusto mong sabihin sa akin." baling naman ng Kapitan sa namumulang si Ariel.

"Umuwi na muna tayo sa tinutuluyan ni Mikael kuya, nandoon lahat ng tungkol sa mga dapat mong malaman." saad ni Ariel.

"Tama si love bok, mabuti pa ay dumaan na muna tayo sa isang resto bago iyon para kumain, alam kong kakailanganin mo iyon sa mga malalaman mo mamaya." sang-ayon ni Mikael.

...

"Manalo, kumain ka na ba?" tanong ni Major Alejandro Guzman kay Private Richard Manalo.

"Hindi pa sir, bibili pa lang sana ako." sagot ni Richard.

"Sakto pala ang dating ko, huwag ka ng bumili, marami itong mga dala ko para sa ating dalawa, mabuti pa ay saluhan mo na lang ako." saad at anyaya ng Komandante.

"Naku sir nakakahiya naman." saad ni Richard, na nitong mga nakalipas na  araw ay naninibago sa pakikitungo sa kanya ng Komandante.

"Huwag ka ng mahiya Manalo, ayaw mo bang samahan kami nila Alfonso." saad ng Komandante.

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon