Gaya ng dati, tahimik lang na pinagmamasdan ni Richard ang mga dinadaanan nila ni Sebastian, habang patuloy naman sa pagmamaneho ang huli, patungo sa pupuntahan nila.
Makalipas ang ilan pang minuto ay huminto na ang minamanehong sasakyan ni Sebastian.
Sandaling tinignan ni Richard ang paligid at kita niya ang mga mayayabong na puno sa lugar.
"Tara na baby." yakag ni Sebastian na nakalahad pa ang isang kamay, pagbukas nito sa pinto ng sasakyan para bumaba na si Richard.
Inabot ni Richard ang kamay na 'yon ni Sebastian at habang magkahawak ang kanilang mga kamay, hinayaan nito ang huli at nanatiling itong nakasunod kung saan man ang punta nila.
Ilang minuto rin sila ni Sebastian sa paglalakad at nabatid ni Richard na nasa gitna na sila ng kakahuyan, dahil kahit saan nito ibaling ang kanyang tingin ay mayayabong na mga puno ang bumubungad sa kanya.
"Baste hindi mo naman siguro ako iiwanan dito, hindi ba?" kabang saad ni Richard, na napahigpit pa ang kapit sa kamay ni Sebastian.
Lihim na napangiti si Sebastian sa narinig, sa ilang linggo na nakilala nito ang bunso ng Heneral, marami itong natuklasan tungkol rito, hindi niya inasahan na sa likod ng matapang na sundalong una niyang nakilala sa Maguindanao ay marami pala itong kinatatakutan. At ang tulungang harapin ni Richard ang mga kinatatakutan nito, ang isa mga gustong gawin ni Sebastian.
"Don't worry baby, may mga baboy ramo, mga ahas at mga leon lang naman ang nakatira sa gubat na ito." saad ni Sebastian para matakot pa si Richard.
"Baste!" malakas na saad ni Richard sa narinig nito sa kasama at mahigpit muling hinawakan ang kamay ni Sebastian.
"Hahaha, matatakutin pala ang baby ko." nakangiting saad ni Sebastian at pagtingin nito sa mukha ni Richard ay halata nito ang takot ng huli.
"Major Manlangit, humanda ka talaga sa'kin kapag nakalabas na tayo dito." inis na saad ni Richard at 'di niya inaasahan na sa isang gubat ang punta nila ng Komandante.
"Tignan natin bukas, baby." saad ni Sebastian.
"Ba-baste anong ibig mong sabihin?" kabang tanong ni Richard.
"Dito tayo magpapalipas ng gabi." kaagad na sagot ni Sebastian.
"Ano! Ba-bakit? Baste 'wag mo akong pinagbibiro, anong gagawin natin dito?" kabang reaksyon ni Richard sa nalaman at tanong nito kay Sebastian.
"Narinig mo na ba ang salitang camping baby? 'Yun ang gagawin natin." paliwanag ni Sebastian.
"Pe-pero, hindi ba ang sabi mo, maraming mababangis na mga hayop na naririto sa gubat?" kabang saad ni Richard.
Isang tango lang ang naging sagot ni Sebastian. Kaya naman...
"Baste, umuwi na lang tayo, ayoko dito at natatakot ako kapag nasa gubat ako." saad ng takot na takot na si Richard.
Tama nga ang mga kapatid ni Richard sa nalaman ni Sebastian sa mga ito. Kagabi sa pag-iinuman nilang magkakaibigan, naikwento ng dalawa ang takot ng kanilang kapatid sa gubat, hindi alam ng dalawa kung anong naging dahilan kung bakit ganun na lang ang takot ng kanilang bunso kapag nasa gubat na ito. Ang tanging alam ng dalawa ay nagsimula ito matapos ang ginawang camping ng kapatid nila noong nasa elementarya ito.
Sa nakitang takot ng kanyang mahal ay mabilis na ikinulong ni Sebastian sa kanyang mga bisig ang takot na takot parin na si Richard.
"It's okay baby, nandito lang ako, promise hindi kita iiwan." pangako ni Sebastian, habang mahigpit paring yakap si Richard.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig ng Sundalo Book I
RomancePrivate Richard Manalo, bunso sa tatlong magkakapatid na lalake na kapwa rin sundalo at Heneral naman ang kanilang Ama. Major Sebastian Manlangit kaibigan ng mga kuya ni Richard. Sa pagtatagpo ng landas ng dalawang sundalo, posible kayang may pag-ib...