PANG-DALAWAMPUT-TATLO

3.3K 123 62
                                    

Gaya nga ng sinabi ng mga kaibigan, hindi na nasolo ni Sebastian si Richard sa gabing 'yon. Bukod pa sa bantay-saradong mga kuya, nakadagdag pa ang panaka-nakang pagtingin ng Heneral sa kanyang mga kilos laban kay Richard.

At kahit sa simpleng pag-akbay lang kay Richard ay 'di na nagawa ni Sebastian. Inaamin niya na wala siyang kinatatakutan, pero ibang usapan na kapag isang Heneral na ang kanyang katapat bukod sa nirerespeto niya ito, ama pa ito ng kanyang mahal at ayaw ni Sebastian na gumawa ng lalong ikagagalit nito.

Hanggang sa nagpaalam ng matulog si Richard sa mga kapatid at sa mga magulang nito. At 'yon ang pagkakataon na hinihintay ni Sebastian para makapag-usap sila ng una.

Nakita ni Heneral Manalo ang pagsunod ni Sebastian sa kanyang anak, pero hinayaan na lang niya ang dalawa. Sa mga araw na nagpapagaling si Sebastian sa kanila, nahalata na ng Heneral ang pagiging malapit ng dalawa sa isa't-isa, ngunit hindi niya akalain na higit pa sa pagiging magkaibigan ang mabubuo na mga ito. At sa araw ng pagbalik ni Sebastian para dalhin sa kanya ang nakuha nitong intel sa mga terorista, nagkaroon na ng ideya ang Heheral na kaya dito mismo sa kanilang bahay dumiretso ang sundalo na 'di naman nito dating ginagawa, napatibay pa ang hinala nitong dahil 'yon kay Richard. Inaamin ng Heneral na nabahala ito sa mga nalaman, na may relasyon nga ang dalawa, pero hindi nito kaya ang paghiwalayin sila, na alam nitong ikagagalit ng kanyang bunso kapag ginawa niya iyon. Kaya naman kinompronta niya si Sebastian tungkol dito at lihim itong natuwa sa kanilang pag-uusap ng Komandante, nasiguro din niya na bukod sa pagiging matapang ng sundalo sa pakikipag-laban sa giyera, napatunayan nito ang paninindigan sa nararamdaman nito sa kanyang anak at maging ang kondisyon niya rito ay walang pagdadalawang isip na tinanggap ng Komandante.

"Mga anak, alam kong alam niyo na rin ang tungkol sa dalawa, anong reaksyon niyo rito." seryosong baling ng Heneral sa dalawang anak ng iwan na rin sila ni Aurora.

"Pa!" sabay na saad nila Erick at Vince sa narinig.

"Matagal ko ng alam, pero may kondisyon ako kay Baste para tuluyan ko ng hayaan ang relasyon nila." paliwanag ng Heneral.

"Mabuti naman pa, alam kong gagawin ni Baste para matupad 'yon. Siya nga ang tumawag sa amin ni Vince para ipaalam ang tungkol sa kanila ni bunso, nung una nagalit ako pero napatunayan naman nila na mahal nila ang isa't-isa kaya hinayaan ko na rin." saad ni Erick sa kanyang saloobin tungkol sa dalawa.

"Oo nga pa at alam namin na mabuting tao si Baste at hindi niya pababayaan si Chard." sang-ayon naman ni Vince.

"Tama kayo mga anak." saad ng Heneral at tumayo na ito para sundan na rin ang asawa sa kanilang kwarto.

"Kinabahan ako kay papa." saad ni Vince ng maiwan silang dalawa ng kuyang si Erick.

"Eh ako nga rin, pero mabuti na lang at hindi tumutol si papa." saad ni Erick.

"Oo nga kuya, pero sundan na natin si Chard at baka kinulong na 'yon ni Baste." natatawang saad ni Vince.

"Mabuti pa nga." naiiling na sang-ayon ni Erick.

...

"I love you baby." saad ni Sebastian at hinalikan sa labi si Richard.

"I love you sir." sagot ni Richard at hinalikan ulit sa labi si Sebastian.

At bago tuluyang maghiwalay ang labi ng dalawa ay bumukas ang pinto sa kwarto ni Richard.

"Sabi ko na nga ba! Baste tama na 'yan at baka mapudpod na ang mga labi ni bunso." saad ni Erick pagkapasok nila ni Vince sa kwarto ni Richard.

"Kuya!" nahihiyang saad ni Richard, bukod sa sinabing 'yon ng kanyang kuya ay nahihiya rin ito sa nahuling paghahalikan nila ni Baste.

"Oo nga Baste, iligo mo na lang 'yan." asar naman ni Vince.

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon