Kabaligtaran ng masaya at buhay na buhay na paligid sa bahay ng mga Manalo. Binabalot ngayon ng matinding kalungkutan ang pamamahay ng mga ito, dulot ng balitang maaring wala na si Major Sebastian Manlangit.
Tanging ang mag-asawang Manalo lang ang naririto ngayon sa hapag at kahit pa puno ng mga pagkain ang nasa harapan ng mga ito, nawala na ng gana para kumain pa ang dalawa.
"Nag-aalala ako kay Richard, mahal." saad ni Aurora sa asawang Heneral.
"Ako man mahal ay nag-aalala rin. Hayaan mo muna ang anak natin, alam kong alam mo na hindi madali ang pinag-dadaanan niya ngayon." saad ni Diosdado.
"Ako man ay ayokong maniwala na posibleng wala na si Baste, nakausap ko na rin ang mga magulang niya kanina at bukas na bukas ay uuwi na rin ang mga ito." saad ni Aurora.
"Lahat tayo mahal ay umaasang hindi nga si Baste ang taong sakay ng sumabog na sasakyan, pero sa nakitang bracelet doon, ayoko man tanggapin pero posibleng si Sebastian nga ang taong lulan ng sumabog na sasakyan." saad ng Heneral.
"Kaya nga mahal, gusto ko man palakasin ang loob ni Richard na buhay pa si Sebastian, ayaw ko naman paasahin ang anak natin." malungkot na saad ng ginang.
"Ang magagawa na lang natin ngayon ay ihanda ang sarili natin sa pinakamasakit na katotohanan o sana ay maliit man ang tiyansa na hindi si Baste ang taong 'yon, mapatunayan sa resulta ng DNA test sa katawan ng taong sakay ng sumabog na sasakyan."
"Tama ka mahal at kung mangyari man ang ayaw nating mangyari, gawin natin ang lahat para sa mga anak natin, lalo na kay Richard." saad ni Aurora.
...
Ang loob ng kwarto ni Richard ang piping saksi sa pagtangis ng sundalo sa sakit na posibleng wala na ang pinakamamahal nitong lalaki. Maging ang kumain ay di na nito magawa at ang tanging gusto na lamang ng sundalo ay ang makatanggap ng magandang balita at sabihin sa kanya na buhay at ligtas ang Komandanteng nagbigay ng bagong kulay at buhay sa mga nakalipas na araw sa kanya. At sa suot nitong bracelet na may initials ni Sebastian at ng singsing na kanyang suot na regalo rin sa kanya ng Komandante, pinanghahawakan ni Richard na tutuparin ng una ang mga pangako nito sa kanya. Dala ng pagod sa pag-iyak, nakatulugan na ni Richard ang sakit sa kanyang puso na dulot ng posibleng pagkawala ni Sebastian.
...
Paggising ni Richard ay kaagad niyang napansin ang taong katabi niya ngayon sa kama
"Ba-baste?" saad ni Richard na ang buong akala'y si Sebastian ang kanyang kasama.
"Bunso si Kuya ito." sagot ni Erick at kahit pa masakit sa kanya ang posibleng pagkawala na ng kaibigang si Sebastian, alam ng Komandate na higit na mas masakit ang nararamdaman ngayon ng kanyang bunsong kapatid. Kita rin ni Erick ang parang walang buhay na mukha ni Richard na kabaligtaran sa buhay at masiglang mukhang meron ang kapatid.
"Ku-kuya." saad ni Richard at otomatiko na naman na bumagsak ang mga luha nito, na tila ba wala ng katapusan.
Kaagad na kinulong sa mga bisig ng Komandante, ang naghihinagpis na bunsong kapatid, sa paraang 'yon, nais ni Erick kahit pa sa katiting lang na sakit ay mabawasan, ang alam niyang higit na nararamdaman ni Richard, sa posibleng pagkawala na ni Sebastian.
"Bunso, alam kong masakit ang nararamdaman mo ngayon, pero kailangang magpakatatag ka at ihanda mo ang sarili mo sa posibleng masamang nangyari kay Baste." saad ni Erick.
"Hi-hindi kuya, bu-buhay si Baste, hindi ba ang sabi niya magpapakasal pa kami." sumbat ni Richard sa kapatid, sa pangako sa kanya ni Sebastian.
"Bunso, makinig ka kay kuya, ako man ay hindi naniniwala na wala na si Baste. Tinawagan ko kanina ang forensic na magsasagawa sa DNA test sa nakitang nasunog na katawan at nalaman ko sa kanila, na apat hanggang sa anim na linggo ang gugugulin bago lumabas ang resulta." saad ni Erick at kwento nito sa mga nalaman.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig ng Sundalo Book I
RomancePrivate Richard Manalo, bunso sa tatlong magkakapatid na lalake na kapwa rin sundalo at Heneral naman ang kanilang Ama. Major Sebastian Manlangit kaibigan ng mga kuya ni Richard. Sa pagtatagpo ng landas ng dalawang sundalo, posible kayang may pag-ib...