Pagkatapos madalaw muli ang kanyang ate, malungkot na naman si Hansel sa kanyang pag-uwi, gaya kasi ng dati, wala parin pagbabago sa kalagayan ng limang buwan ng wala paring malay na kapatid.
"Hansel!" sigaw ng boses, na nagpahinto kay Hansel bago tuluyang makalabas ng ospital. Pagbaling nito sa tumawag sa kanyang pangalan, nakita nito ang papalapit sa kanya na si Dr. Anthony Zamora na hindi na nakasuot ng uniporme.
"Uuwi ka na ba?" tanong ni Anthony pagkalapit nito kay Hansel.
"Oo dok." sagot ni Hansel.
"Kung ganun sumabay ka na sa akin, may ibibigay kasi ako sa pamangkin ko." alok ni Anthony kay Hansel.
Natigilan naman si Hansel at tsaka nito naalala ang mga sinabi ng among sundalo kahapon.
"Sa susunod 'wag kang sasabay kahit kaninong lalaki, para 'di ko isipin na katulad ka rin ng ate mo. At lalong 'wag kong malalaman na may nagpupuntang lalaki dito sa bahay ko, dahil hindi mo magugustuhan ang mga kayang kong gawin Hansel."
"Hindi na dok, may pupuntahan pa kasi ako bago ako umuwi." tanggi ni Hansel na kinabahan pa sa mga oras na 'yon.
"O sige, ingat ka na lang sa pag-uwi." saad ni Anthony at iniwanan na si Hansel.
Napabuntong hininga na lang si Hansel at lumabas na ito sa ospital para umuwi na rin.
...
Pagdating ni Hansel sa bahay ay wala pa ang among sundalo. Kaya naman minabuti nitong maligo na muna, para maalis ang anuman na mikrobyo na kumapit sa kanya sa pinanggalingan nitong ospital.
Nasa kalagitnaan siya ng pagligo ng marinig nito ang paggalaw ng doorknob ng banyo kung nasaan ito.
"Sir naliligo po ako!" sigaw ni Hansel, na sa tingin nito'y ang among sundalo lang ang maaaring nasa labas.
Pero nagpatuloy lang ang pagpupumilit na pagbukas ng kung sinuman, sa pintuan ng banyong kinalalagyan ni Hansel.
Kinabahan na sa mga oras na 'yon si Hansel at alam nitong hindi magagawa ng amo nitong sundalo ang ginagawa ngayon ng kung sinuman na nasa labas.
At ang sumunod na nangyari ang gumulat sa binatang si Hansel. Tinadyakan ng nagpupumulit na pumasok ang pinto ng banyo.
Hindi alam ng takot na takot na si Hansel ang kanyang gagawin, bukod sa takot sa maaaring gawin ng lalaki na sa oras na 'yon ay may ideya na siya kung sino 'yon, natatakot rin ito lalo na kapag naabutan ng among sundalo ang lalaking nasa loob ngayon ng kanyang pamamahay.
"Hansel! Buksan mo ito!" sigaw ng lulong sa drogang lalaki.
"Jonas umalis ka na! Tumawag na ako ng pulis!" sigaw ni Hansel, na sobrang takot na sa mga sandaling 'yon.
"Huwag mo 'kong lokohin Hansel! Akala mo hindi ko pa alam na nakatira na dito ang sundalong kinalolokohan mo! At tinanggihan mo ako dahil sa lalaking 'yon, pwes makikita ng sundalong 'yon ang pagpapakasasa ko sayo bago kapa mapunta sa kanya." saad ng lalaki.
Lalo naman nahintakutan si Hansel sa narinig nito sa lalaki, alam niyang kayang gawin ito ng lulong sa droga na dating kaibigan.
...
Pagkauwi ni Erick sa bahay ay nakita nito ang nakabukas na gate. Hindi alam ng Komandante, kung bakit ito biglang kinabahan pagkatapos. Kasunod nun ay mabilis na pumasok sa loob ng bahay ang sundalo.
"Tulong!!!" Sa narinig ni Erick na pamilyar na boses ni Hansel. Mabilis na pumunta sa pinanggalingan ng boses ni Hansel ang sundalo.
At nagpupuyos sa galit si Erick sa kanyang nasaksihan. Ito'y ang hubot hubad ng nanlalaban na si Hansel, laban sa may masamang balak na lalaki sa kanya, sunud ay mabilis na hinablot ng Komandante ang katawan ng lalaki at ibinalibag ito sa kung saan, palayo sa hubad na katawan ng nakasandal sa pader na si Hansel na lumuluha rin sa mga oras na iyon.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig ng Sundalo Book I
RomantikPrivate Richard Manalo, bunso sa tatlong magkakapatid na lalake na kapwa rin sundalo at Heneral naman ang kanilang Ama. Major Sebastian Manlangit kaibigan ng mga kuya ni Richard. Sa pagtatagpo ng landas ng dalawang sundalo, posible kayang may pag-ib...