PANG-TATLUMPUT-APAT

2.6K 115 30
                                    

Hindi nagustuhan ni Erick, ang nakita nitong pagbaba ni Hansel sa isang sasakyan ng kung sinuman. Naririto ito ngayon sa pinto ng bahay para hintayin si Hansel.

"Sino ang naghatid sa'yo? Yung lalaki mo?" 'di na napigilang tanong ng nagpipigil ng inis na Komandante.

"Si-sir hindi po, si Anthony po 'yon." sagot ni Hansel na 'di matignan ang seryoso parin na amo.

"Sinong Anthony? At kung hindi mo lalaki 'yon? Bakit sumabay ka sa kanya?" usisang mga tanong ng nakakunot-noong sundalo.

"Sir kaibigan ko lang po yung tao, Anthony Zamora ang buo niyang pangalan at kilala niyo po siya dahil doktor siya ni ate. At kaya po sumabay na ako sa kanya ay dahil dito rin ang punta niya." paliwanag ni Hansel na 'di parin magawang tingnan ang among sundalo.

"Sa susunod 'wag kang sasabay kahit kaninong lalaki, para 'di ko isipin na katulad ka rin ng ate mo. At lalong 'wag kong malalaman na may nagpupuntang lalaki dito sa bahay ko, dahil hindi mo magugustuhan ang mga kayang kong gawin Hansel." saad ng seryoso parin na Komandante at pumasok na ito sa loob ng bahay bago pa makasagot si Hansel.

Inaamin ni Hansel na natakot ito sa among sundalo at gaya ng sinabi ng Komandante, sisiguraduhin ni Hansel na hindi na muli itong sasabay kahit na kaninong lalaki at lalong-lalo na ang magpapasok ng lalaki sa bahay ng kanyang among sundalo.

Nakadalawang balikan si Hansel sa pagbitbit sa mga pinamili nito, kita rin nito na kasalukuyang nanonood sa bago rin na malaking flat screen tv na nasa sala ang kanyang amo.

Bago simulan ang paglalagay sa dapat na lalagyan sa mga pinamili nito, minabuti ni Hansel na tanungin na ang amo kung anong mga gusto nito para sa hapunan.

"Sir, itatanong ko lang kung anong gusto niyong iluto ko para sa hapunan." kabang tanong ni Hansel sa amo.

Bumaling naman si Erick sa personal maid nito.

"Gusto ko ng beef, ikaw na ang bahala kung anong klase ng ulam ang alam mong lutuin." sagot ni Erick at muling ibinalik ang tingin sa telebisyon.

"Sige po sir." saad ni Hansel at inumpisahan na ang pagluluto ng hapunan.

...

Gaya nga ng sabi ng doktor, nagising na ang bunso ng mga Velasco at sobrang natuwa ang lahat ng dahil dun.

"Kuya!?" unang lumabas na salita kay Lexter ng makitang narito sa ospital ang kanyang kuya Enzo.

"Ako nga bunso, wala bang masakit sa'yo?" saad at tanong ni Enzo, na lumapit sa nagkamalay na nitong kapatid.

"Medyo masakit ang katawan ko kuya, pero masaya ako na nandito ka." nakangiting sagot ni Lexter.

"Ako din bunso, kaming lahat nila tatay masaya na gumising ka na." saad ni Lorenzo.

"Sino siya kuya?" tanong ni Lexter sa lalaking ngayon lang niya nakita.

"Ako si Captain Vince Manalo, Lexter. Kasamahan akong sundalo ng kuya Enzo mo." sagot ni Vince na lumapit sa bunso ng mga Velasco at iniabot nito ang laruang baril-barilan sa bata.

"S-sa akin po to?" magalang na tanong ng bata sa Kapitan.

"Oo Lexter, naikwento sa akin ng kuya mo na gusto mo raw maging sundalo paglaki mo, kaya habang bata ka muna, hetong baril-barilan muna ang pwede sa'yo." nakangiting saad ni Vince.

"Salamat po kuya Vince!" masayang sagot ng bata dahil matagal na nitong gustong magkaroon ng laruang baril-barilan.

Lubos naman na nagpapasalamat ang pamilya Velasco, sa nagawang pagpapasaya ng Kapitan sa kanilang bunso.

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon