"Saang ospital naroon si Baste, Ariel?" tanong kaagad ni Vince sa pinsan.
"Nasa Ventura's Hospital siya kuya, sasamahan ka namin ni Mikael papunta doon, pero bago iyon, may dapat ka munang malaman." sagot ni Ariel.
"Ano iyon?"
"Hindi ko alam kung bakit, pero mahigpit na pinagbabawalan ang sinuman na mabisita si Sebastian, kuya." sagot ni Ariel.
"Sa tingin ko, alam ko na kung bakit." saad ni Vince. Sa pagkarinig pa lang sa pangalan ng ospital, kaagad naisip ng Kapitan na iisa lang ang taong nasa likod ng lahat. At ikinuwento ni Vince ang sa tingin niya'y posibleng dahilan ng lahat, sa hindi pagpapaalam sa kanila na buhay pa ang matalik na kaibigan.
"At sisiguraduhin kong mananagot silang lahat sa pagtatago nila ng katotohanan sa nangyari kay Baste." nagpipigil sa galit na saad ni Vince.
"Isa pa pala kuya, sila tatay at nanay ang nakakita sa kaibigan ninyo." paalam pa ni Ariel sa pinsan at ikinwento nito ang lahat ng mga nalaman rin niya, sa kwento sa kanya ng ama.
"Kung gayun matapos nating makapunta sa ospital, samahan mo rin ako kila tito, para personal akong makapagpasalamat sa kanila." saad ni Vince.
"Iyon na nga ang problema kuya, wala pang alam si tatay tungkol sa pakikipag-ugnayan ko sa inyo, sa katunayan, kailan ko rin nalaman na galing pala kay tito ang natanggap kong scholarship. Hindi ko alam ang kwento sa likod ng galit ni tatay kay lolo, kaya sigurado akong magagalit rin iyon sa akin kapag nalaman niya na kilala ko na kayo." mahabang paliwanag ni Ariel.
"Tama ka, malaki nga ang galit ni tito kay lolo. Sa iyo ko rin nalaman ngayon, na natagpuan na pala kayo ni papa, at alam kong alam mo rin ang dahilan kaya inilihim ni papa ang tungkol sa pagtulong niya sa pag-aaral mo." sang-ayon ni Vince sa pinsan at maging ang Kapitan ay gulat rin sa mga nalaman.
"Oo kuya, kaya nga kung pwede ay hayaan mong ako ang magsabi ng totoo kay tatay." pakiusap ni Ariel.
"Sige, kung iyan ang gusto mo at kapag naging maayos na ang lahat sa pamilya natin, gamitin mo na ang apelyido nating Manalo." saad ni Vince. Alam na ngayon ng sundalo, kung bakit nahirapan ang pamilya nila sa paghahanap sa pamilya ni Ariel.
"Oo kuya at sana magkatoto na ang lahat ng mga sinabi mo." sang-ayon ni Ariel, na matapos niyang malaman ang totoo niyang pagkatao, ilang taon pa lamang ang nakararaan ay ang una nitong hinangad na mangyari.
"Mangyayari iyon pinsan, hayaan mo't kakausapin ko si papa na magkita na sila ni tito."
"Salamat kuya." masayang saad ni Ariel.
"Walang anuman pinsan, pero sa ngayon puntahan na natin si Baste." saad ni Vince.
At matapos ang sinabing iyon ng Kapitan, kaagad ng tinungo ng tatlo ang ospital na siyang kinaroroonan ngayon ni Sebastian.
...
Habang nasa loob ng ICU kasama si Sebastian, nakarinig ng ingay si Rachelle na nanggagaling sa labas ng kinaroroonan nitong kwarto.
At ng tumayo ang babae, nanlalaking mata ito ng makilalala ang lalaking kaibigan ng mahal nitong si Baste.
'Paanong nandito siya sa ospital?!' kinakabahang saad ni Rachelle.
...
Gaya nga ng sabi sa kanya ni Ariel, marami ngang guwardiya ang nagbabantay sa ICU ng makarating silang tatlo sa lugar. Ngunit walang pakialam ang Kapitan, na nais ngayon ay makita ng dalawang mata niya ang matalik na kaibigan.
"Sir, pasensya na at bawal bisitahin ang pasyente." saad ng isang guard, bago pa makalapit si Vince sa pinto ng ICU.
Masamang tingin ang ipinukol ng Kapitan sa guwardiyang pumigil sa kanya.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig ng Sundalo Book I
RomantikPrivate Richard Manalo, bunso sa tatlong magkakapatid na lalake na kapwa rin sundalo at Heneral naman ang kanilang Ama. Major Sebastian Manlangit kaibigan ng mga kuya ni Richard. Sa pagtatagpo ng landas ng dalawang sundalo, posible kayang may pag-ib...