Matapos ang ginawang pag-akit sa kanya ni Richard, na ganti nito sa pag-iisip niya ng masama rito, lumabas na sa kwarto si Sebastian, sunod sa sinabi ng una. Ganun man, kahit hindi pa s'ya pinapatawad ni Richard, naiintidihan naman ito ni Sebastian, at mas gugustuhin na niyang suyuin ang una para mapatawad siya nito, kaysa sa malaman na totoo ngang may relasyon ito sa kasamang sundalo kanina. At ngayong may isang linggo siya na muling makakasama sa iisang bubong si Richard, gagawin niya ang lahat para mapatawad siya nito at kapag nangyari 'yon, hindi na mag-aaksaya ng panahon si Sebastian at hindi na papakawalan pa ang bunso ng Heneral.
At ang unang hakbang para mapatawad siya ni Richard ay sisimulang gawin bukas ni Sebastian.
...
Aminado si Richard na nasaktan siya sa hindi pagtitiwala sa kanya ni Sebastian. Ganun man, naiintidihan niya kung saan nanggaling ang selos at galit ng huli sa kanya kanina. At naisip rin niya, na masyado yatang naging mabilis ang relasyon na nagkaroon sila, kaya naman mabilis rin na napagdudahan siya ni Sebastian.
...
Kinaumagahan
Matapos maligo ay naging abala si Sebastian sa pagtingin sa kanyang laptop ng mga impormasyon patungkol kay Lorenzo at habang abala sa ginagawa, naputol ito ng pagkatok sa pinto sa kanyang kwarto. At nang maisip na si Richard ang taong nasa pinto, mabilis na tumayo ito at tinungo ang pinto.
Pagbukas ng pinto ni Sebastian, nadismaya siya ng hindi si Richard ang bumungad sa kanya, sa halip isang dalaga ito na nakasuot ng uniporme na kagaya ng sa mga kasambahay nila Richard.
"Sir, pinapatawag po kayo ni mam Aurora at nakahain na po ang almusal." magalang na pahayag ng dalagang kasambahay.
"Sige, susunod na ako." sagot ni Sebastian.
Nadismaya naman na bumalik sa kwarto si Sebastian at kaagad inayos ang sarili bago lumabas ng kwarto.
Samantalang namumula naman ang mukha ng bagong dalagang kasambahay ng mga Manalo, dulot nang nakitang makisig na lalaking sundalo.
'Ang swerte naman ng magiging asawa ni Sir.' nangingiting saad sarili ni Carol.
...
Abala na ang mag-anak na Manalo sa pagkain, nang dumating sa hapag si Sebastian.
Napatingin naman si Richard sa dumating at kita ang makisig na pangangatawan ni Sebastian, na bakas sa itim na sandong suot, 'di rin nakaligtas pati na ang dalawang malalaking braso ng Komandante, kita rin niya ang mabalahibong hita at binti ng barakong sundalo dahil sa boxer short lang ang pang-ibabang suot nito. At bago tuluyang maalis ang paningin niya sa huli, nahagip rin ng kanyang mga mata ang nakabukol na alaga ng barakong sundalo.
'Sandali, Richard 'wag mong ipahalata na tinitignan mo s'ya.' saad ni Richard sa isip at mabilis na iniwas ang tingin sa makisig na sundalo, bago pa siya mahuli nito."Magandang umaga, tito, tita, Chard." isa-isang bati ni Sebastian sa mag-anak na Manalo at ng bumaling ito sa huli ay nginitian pa niya ito.
"Magandang umaga rin Baste at kumain ka na rin." saad ni Aurora. Samantalang isang tango naman ang naging tugon ni Heneral kay Baste. Si Richard naman ay nagkunwari na walang narinig at nagpatuloy lang ito sa pagkain ng almusal.
Hindi na umasa pang magiging madali na mapatawad s'ya ni Richard, kaya ng walang maging tugon ito sa ginawa niyang pagbati, hindi na nagtaka pa si Sebastian. At gaya ng sinabi ni Aurora, umupo na rin si Baste sa katabi rin na upuan ni Richard.
Habang kumakain ang kanyang mga amo, kasama ng kanilang bisita na isang makisig na sundalo. Nag-umpisa naman si Carol sa pagsisilbi sa mga ito, sa pamamagitan ng paglagay ng tubig sa mga baso at ng dumating sa pwesto ng lalaking inangahan niya sa unang beses na makita niya ito, nanginginig na nagsalin ito ng tubig sa baso ni Sebastian.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig ng Sundalo Book I
Storie d'amorePrivate Richard Manalo, bunso sa tatlong magkakapatid na lalake na kapwa rin sundalo at Heneral naman ang kanilang Ama. Major Sebastian Manlangit kaibigan ng mga kuya ni Richard. Sa pagtatagpo ng landas ng dalawang sundalo, posible kayang may pag-ib...