Pagkalabas ni Richard para ibili ng pagkain si Sebastian, si Erick naman ang pumasok para samahan ang kaibigan.
"Sira ka talaga tol." bungad ni Erick sa kaibigan.
"Tol! Ikaw pala, bakit mo na naman nasabi? nakangiting tanong ni Sebastian sa dumating na kaibigan.
"Hindi ka pa talaga nakapaghintay, pati dito sa ospital gumawa kayo ng milagro ni bunso." sagot ni Erick na naiiling pa sa sandaling iyon.
Napakamot na lang sa ulo si Sebastian sa narinig nito sa kaibigan.
"Sa palagay ko ay naiintindihan mo naman ako tol, sobra ko lang namiss ang kapatid mo." depensa naman ni Sebastian.
"Halata nga, oo nga pala magpapaalam na rin ako sa'yo at magkita nalang tayo sa kampo kapag magaling ka na talaga." paalam ni Erick sa kaibigan at tinapik nito sa balikat ang kapwa Komandante.
"Sige tol, ingat ka, ano na palang balita sa ibinahay mo?" tanong ni Sebastian at biro pa nito sa kaibigan.
"Wala pa nga eh, kaya ilang buwan na rin akong tigang, pero mukhang mapapaamin ko na sa pag-uwi ko." sagot ni Erick.
"Kung ganun goodluck tol, at hindi ka na magsasariling sikap na lang." natatawang kantyaw ni Sebastian sa kaibigan.
"Gago! Oo nga pala, bako ako tuluyang umalis, bilis-bilisan mong magpagaling at baka mainip si Richard at patulan na si Guzman na umaaligid sa kanya." ganti ni Erick sa kaibigan, at sa nakita nitong natahimik si Sebastian ay natatawang naglakad palabas ang alaskador na Komandante.
...
"Vince, Chard, mauna na'ko." paalam ng Komandante sa mga kapatid.
"Sige kuya, ingat ka." sagot ni Richard.
"Sige tol." sagot naman ni Vince.
"Nga pala bunso, puntahan mo na si Baste, siguradong umuusok na ang ilong nun sa selos." natatawang baling ni Erick kay Richard.
"Kuya ano na naman ang ginawa mo?!" nababahalang tanong ni Richard.
"Ganti ko sa inyo ni Baste sa ginawa ninyo sa kuwarto." ngising sagot ni Erick at iniwan na nito ang mga kapatid.
...
Pagpasok nga sa kuwarto ng Komandante ni Richard, halata nito ang pagseryoso ng mukha ni Sebastian. Dala ang mga pagkain na binili nito, lumapit na si Richard at inihanda sa isang maliit na lalagyan ang mga kakainin ni Sebastian.
"Kain na sir." saad ni Richard at inilagay sa harapan ng Komandante ang mga pagkain.
At dahil gutom na talaga, nagsimula ng kumain si Sebastian sa mga pagkaing dala ni Richard.
"Oo nga pala, umuwi na si kuya." paalam ni Richard sa mahal nito.
"Alam ko, galing siya dito." sagot ni Sebastian na patuloy parin sa pagkain.
"May sinabi ba siya sa'yo, sir?" tanong ni Richard na kahit wala namang ginawang kasalanan ay kinakabahan ito, lalo na sa seryosong itsura ngayon ng Komandante.
"May dapat ba akong malaman?" tanong pabalik ni Sebastian.
"Wa-wala sir, alam mo na si kuya, ugali nun ang mang-asar." sagot ni Richard.
"Pero hindi iyon sinungaling hindi ba? Totoo bang may nanliligaw sa'yo?" seryosong baling ni Sebastian kay Richard na mabilis ng naubos ang kinakain.
"Si-sir!" gulat na saad ni Richard.
"Sa reaksyon mo, mukhang totoo nga, gusto mo ba si Alejandro?" seryosong tanong ni Sebastian kay Richard.
"Sir naman, anong klaseng tanong iyan? Syempre hindi, alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko." 'di makapaniwalang sagot ni Richard.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig ng Sundalo Book I
RomancePrivate Richard Manalo, bunso sa tatlong magkakapatid na lalake na kapwa rin sundalo at Heneral naman ang kanilang Ama. Major Sebastian Manlangit kaibigan ng mga kuya ni Richard. Sa pagtatagpo ng landas ng dalawang sundalo, posible kayang may pag-ib...