PANG-TATLUMPUT-DALAWA

2.6K 108 28
                                    

Matapos ang higit-kumulang na dalawang oras, huminto sa rooftop ng mismong ospital na kinaroroonan ng kapatid ni Lorenzo, ang private chopper na pinalipad ng piloto rin na si Captain Vince Manalo.

Paghinto ng chopper ay sabay na bumaba sina Vince at Lorenzo, para puntahan ang bunsong kapatid ng huli na naririto ngayon sa ospital.

Mabilis na hinanap ni Lorenzo, ang kwartong kinaroronan ng bunso nitong kapatid, na ipinaalam sa kanya ng kapatid na si Lorraine sa mensaheng ipadala sa kanya kanina.

Nakasunod naman ang Kapitan sa likod ng nagmamadaling si Lorenzo. Ilang minuto pa ang lumipas ng huminto na si Lorenzo sa kwarto ng naaksidente nitong kapatid.

Hinayaan muna ni Kapitan Manalo ang kasamang sundalo, para makasama ang pamilya nito sa loob ng kwarto, na alam nitong kasalukuyang nag-aalala para sa kanilang bunso.

Pagpasok ni Lorenzo sa kwarto, kung saan nakaratay ang bunsong kapatid, nagulat ang mga magulang nito pati na rin ang isa pa nitong kapatid.

"Anak!" saad ni Celia ng makita ang panganay nito at mahigpit nitong niyakap ang sundalong anak, kasunod ay tumulo ang luha ng ginang dahil sa kalagayan ng bunsong anak.

"Tahan na nay, kamusta na ang lagay ni Lexter?" alo nito sa ina at tanong nito sa kalagayan ng kapatid.

Humiwalay naman si Celia sa panganay na anak at lumapit sa wala parin na malay na bunsong anak.

"Hinihintay pa lang namin ang resulta ng ginawang mga tests sa kanya ng duktor." sagot ni Celia sa anak.

Si Lorraine naman ang sumunod na yumakap sa kapatid na si Lorenzo.

"Mabuti anak at nandirito ka, hindi ba ang sabi mo'y may misyon kayong mga sundalo." saad naman ni Lito na ama ni Lorenzo at lumapit ito sa asawang nagsisimula na naman maging emosyonal.

"Kasama ko ho si Kapitan Manalo tay at sa tulong niya ay naging posible na makarating ako rito ngayon." sagot at paliwanag ni Lorenzo sa ama.

"Salamat sa kanya kung ganun anak, halika Celia, iwanan na muna natin ang mga anak mo, para makapagpasalamat tayo sa tao." saad ni Lito at yakag nito sa asawa.

"Sige mga anak, kayo na muna ang bahala sa kapatid ninyo at sasaglit na muna ako sa bahay natin, para makapagdala ng mga gamit ni Lexter." sang-ayon ni Celia sa asawa, na minabuti rin umuwi na muna.

"Sige po nay, tay." sagot ni Lorenzo.

Nakaupo sa mga upuang nasa hallway ng ospital si Kapitan Manalo, nang bumukas ang pinto ng kwarto ng kapatid ni Lorenzo.

Kita ng mag-asawang Velasco ang makisig na lalaki, na nakaupo sa labas ng ospital, malapit sa kwarto ng kanilang anak.

"Kayo po ba si Kapitan Manalo?" tanong ni Lito sa lalaki, kahit pa may ideya na ito na siya nga ang Kapitan na tumulong sa kanilang anak na si Lorenzo.

"Ako nga po sir." magalang na sagot ng Kapitan, na sa isip nito'y ang mga magulang marahil ni Lorenzo ang kanya ngayong kausap.

"Tawagin mo na lang akong Manong Lito sir at nagpapasalamat kaming mag-asawa, sa ginawa ninyong tulong para makauwi at mapuntahan ng panganay namin na si Lorenzo ang bunso namin." saad at pasalamat ni Lito sa Kapitan.

"Wala ho 'yon Manong Lito, ano pa't kaming magkakabaro rin ang magtutulungan." sagot ni Vince na nilagay pa ang kamay sa likod ng ulo, dulot ng hindi ito sanay na makatanggap ng pasasalamat sa ibang tao.

"Naku sir hindi lang wala ang ginawa ninyo, ako naman si Celia ang nanay ni Enzo at Manang Celia na lang ang itawag mo sa akin." saad at pakilala naman ni Celia sa mabuting Kapitan na tumulong sa kanyang anak.

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon