"Ang Hardinero at ang Heredero"
Sypnosis
Dalawang taong paglalapitin ng pagkakataon, ngunit sa kabila ng magkasalungat na sitwasyong kinalalagyan, posible kayang sa dulo ay magkatuluyan?
...Saglit na nag-unat siya ng mga braso bago ito tuluyang bumangon, at ng makabangon ay gaya ng kanyang palagiang ginagawa, kaagad nitong hinawi ang kurtina sa kanyang bintana, para tignan ang hardin na nasa tapat ng kanyang kuwarto. Pero hindi ang inaasahan niyang mga tanim na halaman na puno ng iba't-ibang bulaklak, isang matipunong lalaking walang suot na damit na kasalukuyang nagdidilig sa mga ito ang bumungad kay Timothy.
...
"Wala 'yon, oo nga pala sa tanong mo kanina, ako si Miguel ang bagong hardinero dito sa mansyon." sagot at pakilala ni Miguel, sabay lahad pa nito sa isang kamay.
"Ako naman si Timothy kuya Miguel, anak ako ng may-ari ng mansyon." pakilala ni Timothy at inabot naman ang nakalahad na kamay ng bago nilang hardinero. At naging dahilan nga para masilayan muli ng binata, ang magandang katawan ng bago nilang hardinero na siyang unang nakita niya kanina, pagkabukas niya ng kurtina sa bintana ng sariling kuwarto.
Lihim namang napangiti si Miguel, na nahalata ang pagtitig sa kanyang katawan ng bagong kakilala, na kaisa-isang pa palang anak ng taong pakay niya sa mansyong iyon. At sa naisip na maaari nitong gamitin, ang lalaking kasalukuyang hawak parin ng isa niyang kamay, isang plano ang kaagad na sumunod na nabuo sa kanyang isipan. At hindi na nag-aksaya pa ng oras si Miguel, dala parin ng magkatagpo nilang mga kamay ni Timothy, mabilis nitong nahila papunta sa kanya ang huli.
Sa hindi nga naisip na gagawin sa kanya ng bagong kakilalang lalaki, sa paghila nito sa kanya ay naging dahilan para mapunta ang kanyang mukha sa dibdib ng walang suot na pang-itaas na bago nilang hardinero. At bago pa makaalis sa puwestong iyon si Timothy, sunod na naramdaman nito ang isang braso ni Miguel na pumalupot sa kanyang likod.
"Mamayang gabi, samahan mo ako sa kuwarto ko." bulong ni Miguel sa tenga ni Timothy, bago nito pakawalan ang huli.
Author's Note:
Coming this July
BINABASA MO ANG
Pag-ibig ng Sundalo Book I
RomancePrivate Richard Manalo, bunso sa tatlong magkakapatid na lalake na kapwa rin sundalo at Heneral naman ang kanilang Ama. Major Sebastian Manlangit kaibigan ng mga kuya ni Richard. Sa pagtatagpo ng landas ng dalawang sundalo, posible kayang may pag-ib...