"Nandirito tayo ngayon, para alalahanin ang naging maikli man ngunit makulay na buhay ng mahal nating si Sebastian. Masakit man para sa atin, na hindi na makakasama pa si Sebastian na bilang isang anak, bilang isang kaibigan at bilang isang iniibig. Natapos man dito sa lupa ang misyon ng mahal nating si Sebastian, magpapatuloy ito sa langit sa piling ng Diyos na alam nating kapiling na niya ngayon at mananatili naman ang ala-ala niya sa ating mga mahal niya sa buhay." saad ng pari na nag-alay ng misa para sa namayapang sundalo.
At habang pababa sa hukay ang ataul, na akala ng lahat ay labi ng sundalong si Sebastian. Napuno ng lungkot at pighati ng mga taong naroroon, ang pamamaalam na sa huling hantungan ng sundalo.
Hindi na yata matatapos pa ang sakit na nararamdaman sa puso ni Richard, na nagsimula pa noong wala pang katiyakan sa kung sino ang sakay ng sumabog na jeep, hanggang sa ngayon na naihatid na niya sa huling hantungan si Sebastian.
'Ang sakit sir, bakit mo naman ako iniwan.' saad sa isip ni Richard, habang patuloy sa paglandas ang mga masaganang luha nito sa mga mata.
Hindi rin maiwasan ni Hansel ang maluha, sa nakikitang nitong mga matatapang na sundalo na patuloy rin sa pagluha dahil sa pagkawala ng kanilang kabaro. Kita rin sa dalawang mga mata ng binata ang kalungkutan ng amo nitong sundalo na naluluha rin sa mga oras na 'yon.
...
Matapos ang libing ni Sebastian ay nagpaiwan si Richard sa sementeryo. Hinayaan naman ng mga magulang ni Sebastian at ng mga magulang ni Richard ang kagustuhan nito. Maging ang mga kuya niya ay minabuti rin ng mga ito na mapag-isa ang kanilang kapatid. At ngayon na siya na lamang ang naririto sa harap ng puntod ng mahal nitong sundalo, ibinuhos na ni Richard ang walang katapusang sakit at mga luha dahil sa pagkawala ni Sebastian.
"Ang daya mo naman sir, matapos mo akong sanayin na kasama ka, hindi mo naman ako inihanda sa biglaan mong pag-iwan sa akin." sumbat ni Richard sa puntod ng Komandante.
"Paano na'ko ngayon? Paano pa ako magpapatuloy, gayong kasabay ng pagkawala mo'y malaking puwang sa puso ko ang isinama mo."
"Sana kahit sa panaginip lang dalawin mo ako, pangako hindi ako matatakot sa'yo. Sa katunayan ay magiging masaya pa ako kapag nangyari 'yon."
"At pangako ko sa'yo, gaya ng pangako mo sa akin noong ibinigay mo sa akin ang singsing na ito." kausap ni Richard sa puntod ni Sebastian at tinignan muli nito ang singsing na kanyang suot na bigay ng Komandante.
"Ikaw na rin ang huling mamahalin ko." pangako ni Richard sa mahal nitong si Sebastian....
"Vince uuwi na muna kami ni Hansel sa bahay ko, ikaw na muna ang bahala kay bunso." saad ni Erick sa kapatid.
"Oo kuya, ako ng bahala kay Chard. Wala parin bang pagbabago sa lagay ni Roxanne?" sagot at tanong ni Vince.
"Wala parin, kaya nga hindi ko pa nasisimulan ang panliligaw kay Hansel." sagot ni Erick.
"Sa tingin ko kuya mas mabuti kung simulan mo na ngayon din, ayaw mo naman siguro na maging huli na ang lahat bago pa mangyari 'yon, katulad na lang ng biglaang pagkawala ni Baste." payo ni Vince at iniwanan na ang kapatid, para puntahan ang bunso namang kapatid.
Sa pag-alis ng kapatid, naiwan na gumulo sa isipan ni Erick ang mga salitang binitawan sa kanya ni Vince. Sa isip ng Komandante, tama ang Kapitan na maraming puwedeng mangyari, kahit pa sa maikli lamang na panahon at gaya ng payo ng kapatid na si Vince, sisimulan na kaagad ni Erick ang hakbang para mapasakanya ang binatang si Hansel.
...
Matapos ang libing ni Major Manlangit ay nagpaalam na si Lorenzo, sa lalaking 'di niya inasahan na magbibigay ng panibagong saya sa kanyang puso. Isang mensahe pa ang natanggap ni Lorenzo, pagkasakay sa taxi na maghahatid sa kanya sa tinutuluyan niyang apartment.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig ng Sundalo Book I
Storie d'amorePrivate Richard Manalo, bunso sa tatlong magkakapatid na lalake na kapwa rin sundalo at Heneral naman ang kanilang Ama. Major Sebastian Manlangit kaibigan ng mga kuya ni Richard. Sa pagtatagpo ng landas ng dalawang sundalo, posible kayang may pag-ib...