Habang hinihintay ang pagdating ng kanilang family driver, isang sasakyan ang huminto malapit sa kinatatayuan ni Richard.
"Chard wala pa yata ang driver mo? Ayaw mo bang ihatid na kita sa inyo?" sigaw ng nagmamaneho sa sasakyan na kaaagad nakilala ni Richard, na walang iba kungdi si Alejandro.
"Hindi na sir." sigaw pabalik ni Richard, ayaw ng sundalo na bigyan ng tiyansa ang Komandante na mapalapit pa sa kanya, sa dahilang hindi niya basta mapapalitan sa kanyang puso, ang tanging Komandante na laman nito.
"Sige hindi na kita pipilitin, paano mauna na ako." sigaw na paalam ng Komandante.
"Sige sir." sigaw pabalik ni Richard.
Ilang matapos ang pag-alis ng Komandante, dumating na rin ang driver ni Richard.
"Pasensya na sir at ngayon lang ako." hinging paumanhin ng driver.
"Ayos lang kuya, diretso na tayo sa bahay." saad ni Richard.
"Masusunod sir." sagot ng driver.
...
Paglabas sa coffee shop ni Hansel, kasama ang katrabaho at kaibigan rin na sila Alona at Terrence. Hindi ang inaasahang sasakyan ng among sundalo ang bumungad sa binata, kaya naman bahagyang nalungkot si Hansel.
"Nakakainggit ka friend, ako kaya kailan mararanasan na sunduin ng nakasasakyan, kaya naman ang masasabi ko lang. Sana All!" saad ni Alona sa nararamdaman nito.
"Ikaw talaga." naiiling na saad ni Hansel sa kalokohan ng kaibigan.
"Sandali hintayin niyo ako at kakausapin ko si Mang Popoy na isabay ko na kayo." dagdag pa ni Hansel, para kahit papaano'y masuklian ang kabutihan sa kanya ng mga kaibigan."Go girl, hindi ko tatangihan iyan." mabilis na pagpayag ni Alona.
Pagkalapit ni Hansel sa sasakyan na alam nitong minamaneho ngayon ng matanda. Kaagad na pinagbuksan siya ng guwardiya na si Jojo.
"Sandali lang kuya Jo."
"Mang Poy, maari po bang isabay na natin ang mga kaibigan ko." pakiusap ni Hansel sa matanda.Nagkatinginan naman ang matandang driver at ang guwardiyang si Jojo. Nang tumango si Jojo ay alam na ng matanda ang isasagot sa amo.
"Sige po sir, pero sa harap na kayo umupo at sa tabi na lang ni Jojo ang mga kaibigan ninyo."
"Talaga po, sige po at babalikan ko na kaagad sila." masayang saad ni Hansel at bumalik nga sa kinaroronan ng mga kaibigan.
"Anong sabi ng driver mo Hans?" bungad ni Alona sa kaibigan.
"Pumayag siya, kaya tara na." nakangiting sagot ni Hansel.
"Yay! Salamat Hans, hoy Terrence magpasalamat ka rin." pasalamat ni Alona at baling nito sa isa pa nilang kasama
"Thanks Hans, hayaan mo kapag yumaman ako, ikaw ang unang isasakay ko." saad ni Terrence at umakbay pa kay Hansel.
"Hoy ang sabi ko, magpasalamat ka lang, hindi ko sinabing tsansingan mo ang kaibigan natin." saway ni Alona at pinalo nito ang kamay ni Terrence.
"Hoy pangit! Inggit ka lang dahil wala paring pumapatol sa'yo." ganti naman ni Terrence.
"Kayo talagang dalawa, mabuti pa ay sumakay na tayo at nakakahiya na kay Mang Poy." awat ni Hansel sa dalawa at nauna ng sumakay sa sasakyan.
...
Matapos maihatid ang mga kaibigan ay dumating na rin sila sa bahay ng amo.
"Sandali sir Hans, mawawala ng ilang araw si Sir Erick at may importante itong pinuntahan, kaya hindi ka na niya nasundo ngayong gabi. Heto at ipinabibigay niya ito sa'yo." saad ni Mang Popoy bago tuluyang makababa si Hansel, sabay abot nito sa huli sa pinapabigay ng Komandante.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig ng Sundalo Book I
RomancePrivate Richard Manalo, bunso sa tatlong magkakapatid na lalake na kapwa rin sundalo at Heneral naman ang kanilang Ama. Major Sebastian Manlangit kaibigan ng mga kuya ni Richard. Sa pagtatagpo ng landas ng dalawang sundalo, posible kayang may pag-ib...