Hapon na ng makarating sila Richard at Erick sa Tawi-tawi. At 'di na nag-asaya pa ng oras ang dalawa at nagpasama sa kabaro nila, para puntahan ang bangin na mismong kinahulugan ng sumabog na sasakyan, na siya ring pinanghihinalaang sinakyan ni Major Manlangit.
Pagkababa sa bangin ng mga sundalo kasama sina Private Manalo at Major Manalo, kita ng magkapatid na sundalo ang parang lata na lang na natira sa sumabog na jeep.
Pilit na pinipigilan ni Richard ang kanyang sarili na maluha at pilit rin nitong isinisiksik sa isipan na hindi ang mahal niyang sundalo ang sakay ng naabong sasakyan.
Gaya ng kapatid ay ganun rin ang nasa isipan ni Erick, hindi niya matatanggap na sa isang malagim na pagkamatay matatapos ang buhay ng matalik nitong kaibigan.
"Bukod sa jeep na nahulog dito sa bangin ay wala na ba kayong nakitang ibang sasakyan na malapit dito sa lugar?" tanong ni Major Manalo sa mga kabaro, na siya rin mga kasama ni Major Manlangit sa misyon.
"Wala na sir, tanging itong jeep lang na nahulog sa bangin ang naririto sa area at wala ng ibang sasakyan pa kaming nakita." sagot ng isang sundalo.
"Bukod sa pagkakakilanlan ng taong sakay ng nasunog na jeep, kumpirmado na isang improvised explosive device, ang ginamit sa pagpapasabog ng sasakyan sir." dagdag pa ng isang sundalo.
Sa mga nalaman ay lalo pang nakumpirma ni Major Manalo, na sinadya ng mga terorista ang pagpapasabog sa jeep at naisip ng Komandante na mukhang plano rin ng mga ito na iwanan ang jeep, at kung masundan man sila ng mga sundalo, makakatakas sila dahil sa itinanim rin nilang bomba sa sasakyan.
"Chard alam kong may ideya ka na rin sa posibleng nangyari, ayoko man maniwala, pero malaki ang tiyansa na si Sebastian ang nakatunog sa papatakas na lider ng mga terorista." saad ni Erick sa kapatid.
Tama ang kuya Erick niya, hindi tanga si Richard na maaring 'yon nga ang nangyari, pero hanggat walang kasiguraduhan na si Sebastian ang taong sakay ng sumabog na jeep, hindi mawawalan ng pag-asa ang sundalo na buhay parin ang lalaking mahal niya.
"Hindi kuya, hindi pa patay si Baste! Kung kailangan kong maghanap sa kung saan-saan ay gagawin ko." sagot ni Richard sa kapatid at mabilis nitong iniwanan ang mga kapwa sundalo.
Mabilis naman na sinundan ni Erick ang kapatid bago pa may masama rin na mangyari rito.
"Richard, tama ka, na hindi pa tayo sigurado na wala na si Baste at magtutulungan tayo sa paghahanap sa kanya." saad ni Erick ng makalapit ito sa kapatid.
"Sa-salamat kuya." saad ni Richard na nagsimula na namang tumulo ang kanyang luha.
"Hindi mo kailangan na magpasalamat bunso, kaibigan ko si Baste at kagaya mo, naniniwala parin ako na buhay pa siya."
...
At sa gabi rin na iyon, kasama ng ilan pang mga sundalo. Sinimulan ng mga ito ang paghahanap sa walang katiyakan, kung matatagpuan pa nila ang Komandante.
Madaling araw na at pagod na ang mga sundalo, pero wala silang nakita kahit bakas lang ng posibleng kinaroroonan ng Komandante.
"Chard, pagod na ang mga kasama natin, hayaan mo na magpahinga na rin muna tayo." payo ni Erick sa kapatid.
"Sige kuya, magpahinga ka na rin, pero itutuloy ko parin ang paghahanap kay Baste." saad ni Richard.
"Chard makinig ka kay kuya, kahit ilang minuto lang ay magpahinga ka rin." saad ni Vince, na bukod sa nasasaktan sa posibleng wala na ang kaibigan, naaawa rin ito sa pinagdadaanan ng bunsong kapatid.
"Ayos lang ako, kaya ko pa naman." sagot lang ni Richard.
"Hindi, magpahinga ka na muna. Gusto mo ba na pagbalik ni Baste ikaw naman ang hindi okay?" giit ni Vince.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig ng Sundalo Book I
Storie d'amorePrivate Richard Manalo, bunso sa tatlong magkakapatid na lalake na kapwa rin sundalo at Heneral naman ang kanilang Ama. Major Sebastian Manlangit kaibigan ng mga kuya ni Richard. Sa pagtatagpo ng landas ng dalawang sundalo, posible kayang may pag-ib...