PANG-ANIMNAPUT-ISA

2.5K 108 17
                                    

Abala si Hansel sa paghahanda ng tanghalian nila ng mga kasama sa bahay, at matapos maihain sa hapag ang mga pagkain, tinawag na isa-isa ng binata, ang dalawang guards at ang matandang driver na si Mang Popoy.

...

Habang tahimik na kasalukuyang kumakain ang apat, binasag ito ng may pagkamadaldal na guard na kasama nila.

"Balita ko tol, mamaya na ang dating ni sir Erick." saad ni Arjay.

"Oo tol, alam mo na, siguradong namiss ni sir ang iniwanan niya." sagot ni Jojo at tumingin pa kay Hansel pagkatapos.

Kinabahan naman si Hansel sa narinig na pag-uusap ng dalawang guards, at sa sandaling iyon ay umiisip na ng isasagot sa among sundalo, sa siguradong mga itatanong nito.

"Kayong dalawa, kumain na lang kayo ng kumain, at isa sa inyo ang sasama sa akin para magsundo kay sir." saway ni Popoy sa mga guwardiya at baka makahalata na si Hansel sa tinutukoy ng mga ito.

...

At gaya nga ng inaasahan ni Hansel, habang abala ito sa pagluluto ng paboritong ulam ng padating na among sundalo, para sa hapunan, pagkabukas nga ng pinto ay bumungad sa kanya ang dumating ng Komandante.

"Ang bango niyan ha, Hans, paborito ko ba 'yan?" tanong ni Erick, pagkaamoy nito sa mabangong ulam na kasalukuyang niluluto ni Hansel at lumapit pa ang Komandante sa kinaroroonan ng binata.

Hindi naman kaagad nakasagot si Hansel, na nag-uumpisa ng kabahan, sa presensiya palang ng among sundalong katabi na niya.

"Pero 'wag kang mag-alala, mas mabango ka parin." saad ni Erick na inilapit ang mukha sa leeg ng 'di mapakaling si Hansel.

Kita ng Komandante ang pamumula ng buong mukha ni Hansel, dahil sa ginawa niya, kaya naman minabuti nitong iwanan na muna ang binata.

...

Pag-akyat ni Erick sa kuwarto nila ni Hansel ay kaagad na itong naligo, at hindi na makapaghintay na matikman muli ang masarap na luto ni Hansel.

...

Tapos ng maihanda ni Hansel ang hapunan at hinihintay na lang nito ang pagbaba ng amo, para sabay na silang kumain. Sa isip ni Hansel, ayaw na muna nitong makasabay ang amo, ngunit wala naman siyang magagawa dahil paniguradong magagalit ito sa kanya.

"Sorry sa paghihintay Hans, kain na tayo." saad ni Erick na katatapos lang maligo.

Amoy naman ni Hansel ang mabangong amoy ng amo pagkalapit nito. At inaamin ng binata na bagay ang amoy na iyon, sa isang katulad ng amo, na bukod sa may magandang katawan ay may angkin din na kaguwapuhan. Sa naisip ay napailing na lang si Hansel.

"Okay ka lang Hans?" takang tanong ni Erick.

"A-ayos lang ako, sir." sagot ni Hansel na namula pa ang mukha.

"Kung ganun, mabuti pa ay kumain na tayo." saad ni Erick.

Tahimik lang ang dalawa habang kumakain, si Erick na talagang namiss ang masarap na luto ni Hansel, na ganado sa pagkain. Samantalang 'di naman mapakali si Hansel, at naiisip ang maaring mangyari mamaya, kapag nag-usap sila ng among sundalo.

...

Matapos nilang kumain ng amo, kaagad ng iniligpit ni Hansel ang mga pinagkainan nila at para mahugasan na rin niya ang mga ito, kita rin ng binata na tinungo naman ng amo ang sala at nanood ito ng TV.

Ayaw man matapos ni Hansel ang paghuhugas, alam ng binata na hindi na niya maiiwasan ang among sundalo, sinisisi tuloy nito ang sarili dahil sa katangahan nitong nagawa sa pagpapadala nito ng text sa Komandante.

...

Halata ng nanood na sundalo ang matagal na pananatili ng personal maid sa kusina, kaya pinipigilan nito ang sarili na matawa, dahil sa halatang pag-iwas sa kanya ni Hansel.

'Hay Hans, anong gagawin ko sa'yo.' saad sa isip ng Komandante at minabuti ng pumunta sa kuwarto at doon na lamang hintayin si Hansel.

...

Sa nakitang pag-akyat ng amo sa kanilang kuwarto, sa maaga pang oras para matulog ito, alam na ni Hansel sa sandaling iyon, na naghihintay na ang Komandante para magkausap sila. Kaya naman, wala ng nagawa pa si Hansel, kungdi ang sundan ang amo.

...

Nakaupo sa gilid ng kama si Erick ng bumukas ang pinto ng kuwarto nila ni Hansel. Sunod na nakita ng Komandante ang paglapit ng pumasok na si Hansel sa kinaroronan niya.

"Sir 'yung tungkol po sa text ko sa inyo." simula ni Hansel.

"Sige Hans, makikinig ako." sagot ni Erick.

"Hi-hindi po wrong send lang iyon, to-totoo pong para sa inyo ang mensaheng iyon." amin ni Hansel na napayuko na sa oras na iyon, at naghihintay na pandirihan o kaya'y insultuhin siya ng amo.

Sa narinig na matapang na pagtatapat ni Hansel sa nararamdaman, kaagad ng tumayo ang Komandante at nilapitan ang mahal nitong si Hansel.

"Alam ko at mahal din kita, Hans." amin ni Erick sa damdamin nito at iniangat ang nakayukong mukha ni Hansel, para magpantay ang paningin nila.

Hindi makapaniwala si Hansel sa narinig nitong mahal din siya ng among sundalo, kaya naman kasunod nito ay ang masaganang luhang pinakawalan ng kanyang mga mata.

"Sshhh tahan na baby, I'm sorry kung hinintay ko munang sabihin mong mahal mo ako, bago ako magtapat ng nararamdaaman ko sa'yo." alo ni Erick sa mahal, sabay pahid nito sa mga mata ni Hansel.

"A-ayos lang sir." sagot ni Hansel at naiiyak man ay hindi naman dahil sa lungkot, kungdi dahil sa saya na nararamdaman nito.

"Ibig bang sabihin nito Hans ay tayo na?" tanong ng Komandante, na sa unang pagkakataon ay nakaramdam ng kaba sa maaring isagot ni Hansel.

"Ikaw sir, ano bang gusto mo?" balik na tanong ni Hansel.

Gustong-gustong sabihin ni Erick na oo at maging sila na, pero ayaw ng Komandante na tanging siya lang ang magdedesisyon sa bagay na iyon, kaya naman.

"Oo, gusto kong maging tayo na Hans, pero ayokong madaliin ka o mapilitan lang na maging tayo, kaya payag ka ba na manligaw muna ako sa'yo?" sagot ni Erick.

Labis naman na kinilig si Hansel sa naging sagot na iyon ng among sundalo, pero kaagad rin naman nitong naisip ang tungkol sa kanyang ate.

"Sige sir, payag akong ligawan mo ako, pero papaano si ate?"

Natuwa naman si Erick sa unang sagot ni Hansel, pero napakunot-noo ito sa huling narinig.

"Anong tungkol sa ate mo?" tanong ni Erick.

"Papaano kapag nagising na siya sir?"

"Mabuti kung magising na siya Hans at maniwala ka na kahit hindi maganda ang nangyari sa amin ng ate mo, ipinagdarasal ko na magising na siya sa lalong madaling panahon, pero walang magbabago sa relasyong meron tayo, kapag dumating ang araw na magkamalay na siya." sagot ni Erick.

Lalo naman humanga si Hansel sa mahal nitong Komandante, tunay ngang mabuti ang lalaking matagal na niyang lihim na minamahal, kaya naman hindi nagsisisi ang binata sa ipinagtapat nitong pag-ibig para sa among sundalo.

"Salamat sa pagdarasal din para kay ate sir, at gaya mo pangako ko rin, walang magbabago sa atin kapag nagising na si ate." saad ni Hansel.

"Ngayong nagkaaminan na tayo, wala ka bang ideya Hans bago ka magtapat sa akin, tungkol sa nararamdaman ko rin sayo?" tanong ni Erick.

Sa narinig ay isa-isang naalala ni Hansel ang mga nangyari sa nakalipas ng mga buwan, na magkasama sila ng among sundalo sa iisang bahay.

"A-akala ko kasi sir ay nagbibiro lang kayo." nakayukong saad ni Hansel, na ngayon ay isa-isang naisip ang ilang beses na pagpapadama sa kanya ng pag-ibig ng Komandante.

"Kung ganun, hayaan mong ipadama ko, kung gaano kalalim ang nararamdaman ko sa'yo." saad ni Erick at mabilis na inilapit ang kanyang mukha sa maamong mukha ni Hansel, at sa isang kisap-mata lang, ipinagtagpo ng Komandante ang mga labi nila ng binatang si Hansel.

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon