PANG-TATLUMPUT-TATLO

2.6K 110 18
                                    

Pagkagising ni Erick ngayong umaga, ang mabangong amoy na nanggagaling sa kusina ang bumungad kaagad sa kanya. Sa naisip na si Hansel na marahil na nagsimula na sa pagsisilbi sa kanya ang may gawa nun, sumunod na lumawak ang ngiti sa mukha ng Komandante.

Kaagad ng bumangon si Erick para makaligo at 'di na ito makapaghintay, na muling matikman ang masarap na luto ni Hansel.

...

Kasalukuyang inihahanda ni Hansel ang almusal ng among sundalo, alam nitong anumang oras ay lalabas na rin ang Komandante, na noon kapag dito nagpapalipas ng gabi sa kanila na dulot ng kanyang ate ay madalas na maaga itong gumising. Nagtimpla na rin si Hansel ng paboritong kape ng sundalo, na alam nitong 'di nakukumpleto ang umaga ng huli, kapag hindi nakakainom ng nasabing inumin.

...

Pagbaba sa kusina ni Erick ay bumungad ang mga nilutong agahan ni Hansel. Pansin rin nito ang umuusok na galing sa katitimpla pa lang na kape, na nasa tasa.

"Goodmorning sir, nakahanda na po ang almusal." bati ni Hansel sa kanya.

'Di pinansin ni Erick ang pagbating 'yon ni Hansel, na umupo kaagad sa upuan para magsimula ng kumain.

Isinawalang bahala na lang ni Hansel ang hindi pagpansin sa kanya ng amo. At minabuting umpisahan na lang nito ang pagsisilbi sa sundalo.

"Ayos na po ba itong almusal? Kung may gusto pa po kayo ay sabihin niyo lang sa akin." saad ni Hansel habang naghihintay sa magiging reaksyon ng amo na nagsimula ng tikman ang niluto nitong sinangag, piniritong itlog, bacon, ham at hotdog, na nakita nitong laman ng bagong malaking refrigerator, na marahil binili ni Erick na unang napansin kaagad ni Hansel sa dating bahay pagdating niya kanina.

Gaya kanina ay tahimik lang na nagpatuloy sa pagkain si Erick, samantalang nakatayo parin si Hansel, na naghihintay sa kung anong magiging utos o reklamo ng amo sa kanya.

Hanggang sa matapos kumain si Erick at wala ni isang lumabas na salita sa kanya. Napabuntong hininga na lang si Hansel, na ramdam na hindi magiging madali ang kanyang mga susunod na mga araw kasama ng amo.

Matapos kumain ni Erick ay nagbihis ito ng kanyang uniporme. Habang inuumpisahan niya ang ganti nito sa magkapatid na Cortez, napapayag niya ang Amang Heneral na magtrain na lamang siya ng mga baguhang sundalo ng sa ganun ay makakauwi siya dito sa nabili nitong bahay.

Nakita ni Hansel ang nakabihis na uniporme na Komandante pagbaba nito. At bago pa tuluyang lumabas ang sundalo ay kinausap ito ni Hansel, sa isang bagay na gusto nitong ipagpaalam sa Komandante.

"Si-sir, maari bang humingi ako ng dalawang araw na day off, para sa isa ko pang trabaho?" tanong ni Hansel sa Komandante.

Nahinto naman sa paglalakad ang sundalo at bumaling sa nagsalitang si Hansel.

"Anong trabaho?" seryosong tanong ni Erick.

Natigilan naman si Hansel sa tanong na 'yon ng amo at inaaamin nito na kinabahan ito sa tono ng pagtatanong sa kanya ng sundalo.

"Ba-barista ako sir sa isang coffee shop, nag-apply ako noong isang araw at natanggap naman ako at tuwing weekend lang ang pasok ko." sagot ni Hansel at umaasa itong pagbibigyan siya ng amo.

"Anong oras ang pasok at pag-uwi mo?" usisa ng Komandante.

"2 PM to 10 PM sir." kaagad na sagot ni Hansel.

"Sige payag ako, pero dahil sa day off mo 'yun, nangangahulugan na walang bawas ang mga araw na 'yon sa mga utang mo sa akin."

"Opo naman sir, itatanong ko rin po kung dito kayo manananghalian mamaya." saad ni Hansel.

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon