PANG-SAMPU

4.1K 127 13
                                    

Tuluyan ng gumaling ang pananakit ng katawan ni Sebastian dulot ng pagsabog at tanging mga peklat na lang na naiwang bakas sa kanyang mga sugat, ang makikita sa kanyang katawan.

Dahil sa magaling na nga, matapos magpasalamat sa naging tulong ni Richard at ng mga magulang nito. Nagpaalam na rin si Sebastian sa mga ito at bukas nga ay babalik na siya sa condo unit na tinutuluyan niya sa Makati.

Kasalukuyang iniimpake ni Sebastian ang mga gamit niya sa isang bag ng tumunog ang kanyang cellphone.

"Hello Sir." bungad niya ng makitang si Heneral Manalo ang tumatawag.

"Manlangit come to my office later." saad ng Heneral at ibinababa rin kaagad ang tawag.

Matapos maisara ang zipper ng kanyang bag, nagtungo rin kaagad si Sebastian sa opisina ng Heneral.

"Sir, permission to enter sir!" magalang na saad ni Sebastian bago pumasok sa nakabukas na opisina ng Heneral.

"Enter." maikling sagot sa kanya ng Heneral.

"Sir." saad ni Sebastian at tawag nito ng pansin sa Heneral pagkalapit niya.

"Have a seat."

Pag-kaupo ni Sebastian, mga larawan ng mga teroristang huling nakalaban ang bumungad sa kanya.

"As you can see Manlangit, halos sa mga larawang iyan ay mga namatay sa natapos na giyera sa Maguindanao. And also, as you already know that their leader had been captured alive by us. Well 'yun ang lahat ng akala natin. Pero ang nahuli natin ay isa lang pala sa kanilang mga lider." paliwanag ni Heneral Manalo.

"You mean sir, may iba pa silang lider." pagtitiyak ni Major Manlangit. Isang tango lang ang naging sagot ng Heneral.

"Here." saad ng Heneral, sabay galaw nito sa larawang hawak na nasa mesa, papunta sa harapan ni Manlangit.

"Ito ang isa pa nilang lider." saad ni Sebastian sa sarili at alam na niya sa mga oras na iyon ang dahilan kung bakit siya ipinatawag ni Heneral Manalo.

"Gaya ng nauna mong pangunguna sa misyon, makakaasa ba ako ngayon sayo dito?" tanong ng Heneral.

"Sir, yes sir." magalang na pagtanggap ni Major Manlangit sa isang delikado na namang misyon.

"Very well Manlangit. Bueno, heto ang mga intel patungkol sa isa pang lider ng mga terorista." saad ni Heneral Diosdado Manalo sabay abot sa mga folder at isang usb flash drive kay Major Sebastian Manlangit.

...

Pagbalik sa silid ni Sebastian ay naisipan niya na munang maligo. Matapos maligo ay nagpunas lang siya na buhok at tanging tuwalya lang ang bumabalot sa kanyang kahubdan sa mga oras na iyon. Naisip niyang pag-aralan na kaagad ang mga files. Pinanood rin niya ang laman ng usb at kita sa video na naroon, ang pag-amin ng akala nilang tanging lider ng mga terorista na si Al Jaggar Muhamad na may kasama pa itong isa, na bumuo sa kanilang grupo.

Abala ang sundalo sa pag-isa-isa ng mga intel sa kanyang harapan, nang marinig nitong tumunog ang pinto dulot ng pagkatok ng taong nasa labas.

Dala ng nakalock na pinto ay minabuti ni Sebastian na tumayo at pagbuksan ang taong nasa labas. Pagbukas niya si Richard ang bumungad sa kanya.

"Oh Chard, anong atin?" bungad ni Sebastian.

Si Richard namay ay inutusan ng kanyang ama na tawagin si Sebastian. Pagbukas nga ng pinto ang hubad na katawan ni Sebastian na natatakpan lang ng tuwalya ang bumungad sa kanya. Sa nakita'y kaagad pinamulahan ng mukha si Richard.

"Pinatatawag ka ni Papa." sagot sa kanya ni Richard. Dumako naman ang paningin ni Sebastian sa mukha ni Richard at kita nito ang pamumula ng mukha ng huli.

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon