Matapos ang pagsunod ni Vince kay Lorenzo paglabas nito sa bilihan ng mga damit. Muling inakbayan ng Kapitan ang pobreng sundalo, at gaya nga ng sabi ng una, ito ang pumili sa susunod na pupuntahan nila sa pagsisimula ng kanilang date.
...
Habang tutuk na tutok ang mga mata ni Lorenzo sa malaking screen sa loob ng sinehan, panaka-naka namang abala ang mga mata ni Vince sa seryosong mukha ng una. Madilim man sa loob ng nasabing lugar, kita ng mga mata ng Kapitan ang maamong mukha ng pobreng sundalo, na 'di maalis ang mga mata sa pinapanood.
Kanina ng iminungkahi ni Vince na manood sila ng sine, pansin ng Kapitan ang saya sa mga mata ni Lorenzo. Sa tuwa nga ng pobreng sundalo, nasabi nito na ito ang kauna-unahang pagkakataon, na makakapasok ito at manonood sa isang sinehan. Sa nalaman ng Kapitan ay bahagya pa itong nakaramdam ng lungkot, kaya naman lalong tumibay ang hangarin nito na ipalasap at iparanas ang mga bagay na 'di pa nararanasan ni Lorenzo.
Hanggang sa natapos nga ang pinanood na pelikula ng dalawa. At habang papalabas sila, hindi maiwasan ng pobreng sundalo na ikwento ang kapapanood pa lang na pelikula. Mataman naman na nakikinig ang Kapitan, kahit pa ang totoo'y wala itong naiintindihan sa ikinukwento ng kasama, dahil sa matagal pa nitong pinagmasdan ang mukha ni Lorenzo kaysa sa ipinapalabas na pelikula.
Patuloy lang sa pagkwekwento si Lorenzo sa napanood, nang makahalata ito na panay lang ang pagtango ng kasama sa bawat kwento niya patungkol sa pelikula.
"Nanood ka ba talaga sir?" dudang tanong ni Lorenzo.
Natigilan naman si Vince dahil sa narinig nito kay Lorenzo.
"Oo naman, halika na at kumain na tayo at gutom na gutom na ako." pagsisinungaling ni Vince at pag-iiba nito sa usapan.
"Sige, pero sagutin mo muna ang tanong ko bago iyon." kondisyong saad ni Lorenzo.
"Ano 'yon?" maagap na tanong naman ni Vince.
"Hindi ba ang sabi mo ay pinanood mo ang pelikula? Ano nga kasing title ng pinanood natin?" tanong ni Lorenzo na nakangisi pa sa sandaling iyon.
Sa tanong na iyon ni Lorenzo ay napakamot na lang sa ulo ang Kapitan, sigurado kasing alam na ng kasama, na hindi nga nito pinanood ang pelikula. Hinayaan kasi nitong si Lorenzo ang pumili ng papanoorin nila kanina, lalo ng malaman nito na ngayon palang ito makakapanood sa sinehan.
"Sabi ko na nga ba! Kaya pala, oo ka lang ng oo at laging pagtango lang ang mga sagot mo sa'kin habang nagkwekwento ako sa pinanood natin, mali, sa pinanood ko lang pala." naiiling na saad ni Lorenzo.
"Oo na, hindi ko nga pinanood, eh paano may iba akong pinanood." pag-amin ni Vince at nakangiting bawi nito.
Naguguluhan naman na napatingin si Lorenzo sa Kapitan.
"Paanong may iba kang pinanood?" tanong ng naguguluhang si Lorenzo.
"Ikaw, ang mukha mo ang pinanood ko, ang cute mo kasi habang seryoso at tutok na tutok ka sa panonood." paliwanag ni Vince, na 'di maalis ang ngiti sa mukha at lalo pang lumawak ito ng makita ang namumulang mukhang reaksyon ni Lorenzo.
Inaamin ni Lorenzo na bagamat nahiya ito sa narinig sa Kapitan ay kinilig rin ito.
"Puro ka talaga kalokohan sir, hindi ba ang sabi mo gutom ka na? Halika na at nagugutom na rin ako." saad ni Lorenzo na pinipigilan ang saya at kilig na dulot ng Kapitan.
"Sige at mamaya gaganti ako sa pagngisi mo sa akin ng dalawang beses mula pa kanina." saad ni Vince at kung kanina ay akbay lang niya ang pobreng sundalo, minabuti na ng Kapitan na hawakan ang isang kamay ni Lorenzo at hindi naman ito tinutulan ng huli. At sabay na tinungo ng dalawa ang resto na pinili ng Kapitan, para sa kauna-unahan nilang paglabas.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig ng Sundalo Book I
RomancePrivate Richard Manalo, bunso sa tatlong magkakapatid na lalake na kapwa rin sundalo at Heneral naman ang kanilang Ama. Major Sebastian Manlangit kaibigan ng mga kuya ni Richard. Sa pagtatagpo ng landas ng dalawang sundalo, posible kayang may pag-ib...